Zoe's POV "Alam mo ang KJ mo." sabi ni Louise sakin. Nasa pool area kaming lahat at nagkakasayahang nagswi-swimming. "Bakit naman?" takang tanong ko sa kanya. "Paano ikaw lang ang nakasando at nakashort sating lahat except syempre sa cross dresser." sabi nya kaya napatingin ako sa sarili ko tapos sa mga kasamahan namin na nakasuot na puro bikini. Nakibitbalikat ako. Hindi ko pwede ipakita ang peklat sa hita ko kaya nakashort ako na above the knee. Kaparehas ko ng outfit sila Japan, Torey, Jayden, Kiara. Si Ate Kill naman nakatshirt sya pero nakasuot pa din sya ng bikini para pinatungan nya lang ng tshirt at the rest nakabikini na. Kaya busog na ang mga lalaki sa mga naggagandahang babae na naglalaro sa pool. "Waah!" nagulat ako nang may biglang tumulak kay Louise. Nasa gilid kasi kami

