Zoe's POV "Grabe ang mga seniors, kakarating lang natin kahapon training na agad tayo ngayon, hindi man lang tayo pinag-enjoy man lang muna bago magtraining." sabi ni Louise. "Naririnig ka namin, Louise." sabi ni Ate Noimi kaya nagsitawanan kaming lahat. "Reklamo pa." sabi ko sa kanya. Nagpout lang sya. Nailing na lang ako. Naglalakad kaming lahat ngayon papunta sa hindi namin alam. Hindi sinabi ng mga seniors kung saan basta kailangan humanda kami sa training namin ngayon dahil mahirap daw. Kailan pa naging madali ang training nila? "Nanalo na naman ang Miracle against Falcon's Europe. Lamang lang ng limang puntos." sabi ni Ate Anya na nasa likod namin ni Louise. "Mukhang mahirap ng talunin ang Miracle. Wala si Avey at Kill pero nananalo pa din sila." sabi ni Ate Bea. "Hindi yan. K

