Ella's POV "Oh saan kayo pupunta na dalawa?" tanong ni Juls samin. Tumingin sakin si Abby. "May meeting ang captain at vice captain ngayon kaya kayo muna ang bahala sa mga rookies." sabi ko. "Let's go." niyaya ko na si Abby patungo sa conference room na nasa pinakataas lang ng bahay. Nakasabay pa namin sila Valen. Sakto ang dating namin at kami na lang ang hinihintay kaya nag-umpisa na kami ng meeting tungkol sa mga rookies namin. Hindi kami makapaniwala na may nagaganap na alitan sa bawat team, natural lang naman yon pero hindi na tama ang pinaggagawa nila. "Ang malala pa dito ay nahuli namin na may ginagawang milagro ang isa sa Wyvern at Mušḫuššu." sabi ni Camille. Napatingin ako sa dalawang kapitan. Naiiling si Natasha habang kamot kamot naman ng ulo si Dawn. "Nakausap ninyo ba a

