"Alexa tama na pagod na ako!" sigaw ko hanggang ngayon hinahabol pa din ako ng amazona. Papunta kami sa court ng Red Team, tutal don ako magte-team dahil hindi ko nakita sa Louise sa Blue Team malamang nasa Red Team sya. "Kung tumigil ka sa pagtakbo na hindi ka mapagod!" sigaw din nya. "Ayoko nga sasaktan mo ako eh!" "Buti alam mo!" hindi ba 'to napapagod? Sabagay isa sya sa sumunod kay Ate Gail kahapon hanggang sa makarating ng camp. Mukhang mali ang kinalaban ko. "Ate Abby si Alexa oh!" hingal na tumago ako sa likod ni Ate Abby. Tumigil din sa pagtakbo si Alexa at naghabol hininga. "Anong nangyari sa inyo? Bakit ngayon lang kayo huh?" tanong ni Ate Noimi. Nagsign ako kay Ate Noimi na sandali lang dahil pagod na ako. "Yan kasi ang yabang mo." rinig kong sabi ni Louise. Tama nga hula

