Zoe's POV Gumising ako ng maaga para magkapagjogging. Rest day namin ngayon pero feel kong magjogging kahit medyo masakit pa ang katawan ko dahil sa training. Naghanda na ako ng sarili ko. Nagsuot lang ako ng sport bra at cycling shorts with nike shoes. Kinuha ko ang earphone ko at isinuot sa magkabilang tenga ko tsaka ako lumabas ng kwarto. Tahimik ang dorm dahil mga tulog pa ang mga tao dito pero yung kwarto nila Ate Ella at Ate Joey medyo may sound lang. Alam nyo na, yung umagang almusal nila sa isa't isa. Hindi ko na lang pinansin yun at tumuloy na palabas ng dorm. Nagwarm up ako saglit tsaka ako nagsimulang magjogging habang nakikinig ng kanta sa earphone ko. Mga ilang minuto palang ako nagjo-jog nakita ko ang lahat ng blue team na nagjo-jogging din katulad ko. Tinanggal ko ang ear

