Zoe's POV "Ayos ka lang ba?" tanong ni Silva habang inaalalayan akong bumalik sa bench namin. "Oo ang sakit ng pwet ko." sabi ko at hinawakan ko ang pwet ko na nasaktan dahil sa pagkadulas ko. "Pahimas mo kay Astra." natatawang sabi ni Minerva na ikatawa din ng tatlo. Napailing ako sa kanila. "Isa lang ang maglilinis?" tanong ni Chi na nakaupo sa bench. Tumingin ako sa loob ng court. Biglang nanghina ang tuhod ko at napaupo sa sahig. "Zoe!" Hindi maaari. Paanong nandito sya sa Miracle? hindi ba alam ni Ate Kill na sya ang Papa ko? Alam naman nya ang tungkol sa pamilya ko pero bakit.. Napatingin sya samin at pati sya nagulat nung makita ako pero mas lalo syang nagulat nung makita ang nawalang braso ko. "Zoe, anak." nabitawan nya ang mop at lumapit samin. Sa sobrang takot ko ay h

