"Para magkakilala ang lahat magpakilala kayo isa isa. Tapos mamaya magkakaroon kayo ng one game na kayo kayo lang." sabi ni Ate Abby.
"Name, age, position nyo sa last team nyo ang sasabihin ninyo tapos dito sa harap magpakilala." sabi ni Ate Juls. "Umpisahan mo." sabi nya sa pinakadulo sa kaliwa ko.
Pumunta sa harap ang babae. "Hi guys! I'm Yuri Kim, 18 years old, power forward." tumingin ako sa kanya, napansin kong magkasingtankad lang kami. Bumalik sya sa pwesto nya kasabay ng sumunod sa kanya na pumunta sa harapan.
"Ako naman si Aj Diaz, 18 years old, center." pero mas matangkad ito samin.
"Hello everybody! Patricia Miranda, 18 years old, point guard."
"Hi, Xenon Jung, 17 years old, point guard din."
"Hello guys, ako Anna Russel Sy, 19 years old, captain at point guard." tinignan ko sya, para kasing pamilyar yung pangalan nya.
"Hi girls Jhianne Erno, 18 years old, small forward."
"Hello sa inyo, Louise Zamora, 18 years old, center." oh center 'tong babaitang 'to? eh mas matangkad pa ako dito eh.
Pumunta ako sa harapan nila. "Hello, Zoe Reyes, 18 years old, shooting guard." sabi ko at ngumiti sa kanilang lahat. Bumalik ako sa pwesto ko habang yung kasunod ay pumunta sa harapan.
"Hi, ako nga pala Genesis Fernadez, Gen for short, 17 years old, small forward." nakangiting sabi ni Gen.
"Yo! Nikki Lee, 19 years old, point guard." hype nito.
Sumunod na naglakad ang isang butch na katulad ni Japan.
"Hi! Jayden Fajardo, 18 years old, shooting guard." sabi nito.
"Yan yung pesteng karoommate ko." bulong ni Louise. Tinignan ko naman si Jayden. Gwapo din nya pero mas gwapo nga lang si Japan.
"Japan Sawada, 18 years old, bench member." nanlaki ang mga mata ko at nagsitaasan ang mga balahibo ko. Lahat kami napatingin sa kanya. Yung boses nya kasi ang lamig.
At ano daw? Bench member? ibigsabihin hindi sya pasok sa first five sa team nila. Pero nakapasok sya dito.
"Ehem! Parang nangyari na 'to ah." pabasag katahimikan na sabi ni Ate Noimi. Nagtatakang tumingin kami sa kanila
"Oo nga 'no? Akalain mo yun!" natatawang sabi Ate Krystal.
"Sino kaya ang nagkainteresado sa batang ito." sabi ni Ate Juls. Lalo kaming nagtaka, ano ang pinag-uusapan nila?
"Tuloy nyo na." sabi ni Ate Kill kaya nagpatuloy ulit sa pagpapakilala.
"I'm Torey Torres, 18 years, captain and shooting guard."
"Hello, Kiara Jacobo, 18 years old, bench member lang din po." napatingin kaming lahat sa kanya. Nakakacurious kung paano sila nakapasa dito. Hindi sa minamaliit sila ah? kasi tignan nyo halos lahat kami nasa first five tapos sila ni Japan pangsub lang o nakakapaglaro pa sila sa lagag nila?
"Hi, Ivy Fulkerson, 17 years old, shooting guard." bumalik sya sa pwesto nya habang ako naman ay hinintay na pumunta sa harapan ang nasa huli.
"Hi, Alexa De Vera, 19 years old, power forward." sabi nya at bumalik sa pwesto nya. Alexa.
"Good, mukhang magiging maganda din ang batch nyo." sabi ni Ate Ella.
"Let's start the game." sabi ni Ate Abby.
"Ganito, maghanap kayo ng partner at makipag black and white kayo. Alam nyo yon? Yung kampihan?" tumango kami kay Ate Zeke.
Hindi na ako naghanap pa dahil si Louise lang ang kakilala ko.
"Gusto ko magkakampi tayo." sabi nya.
"Ayoko nga, gusto kita makalaban. Tignan natin ang galing ng center." bigla sya nagseryoso at ngumisi sakin. Game face na sya.
"Sige ba hinahamon mo ako ah." nginitian ko sya at nagblack and white kami.
Black sya at White naman ako.
"Okay, kanan ang black sa kaliwa naman ang white." pumunta ako sa kaliwa. Tinignan ko ang makakagrupo ko. Kasama ko si Jayden. Mukhang hindi ako ang makakatapat kay Louise. Wala naman dito si Japan, nasa kabilang grupo.
"Hi! Sino magiging first five natin?" tanong ni Jayden. Walang sumagot samin at nagpapakiramdaman lang. Napakamot ako ng ulo, hindi isang team ito kung walang magsasalita.
"Uy uso magsalita guys. Isa tayong team kaya kailangan magtulungan tayo." sabi ko sa kanila.
"Oo nga naman, ikaw na captain ng team na 'to ah?" sabi ni Jayden habang nakaakbay sakin.
"Huh? Bakit ako? Ikaw na lang." sabi ko, ayoko nga maging captain sakit sa ulo kaya.
"Girls, makinig kayo. Hindi namin kayo papakialaman. Titignan namin kung paano nyo pakikisamahan ang team ninyo at paano kayo magko-konekta sa loob ng court. Kayo na bahala. Papanoodin lang namin kayo." sabi ni Ate Sharm. Tumango naman kami.
"Mabuti pang mag-warm up muna tayo." sabi ko.
"Bagay talaga sayong maging captain ng team na 'to diba guys?" sabi ni Jayden sa team na sinang-ayunan naman nila. Napakamot tuloy ako ng ulo. Ano ba yan, dapat pala hindi na ako nagsalita.
"Bahala nga kayo, mag-warm up muna tayo tsaka natin pag-usapan ang laro." tumango sila kaya inumpisahan na namin magwarm up.
Kill's POV
"Baby, parang ikaw si Japan." napapoker face ako. Pati ba naman sya?
"Oo nga parang ikaw lang non eh." natatawang sabi ni Shiela. Inirapan ko sila.
"Iniisip ko tuloy kung sino ang nacha-challenge kay Japan." sabi ni Avey habang tinitignan ang mga rookies.
"Girls, makinig kayo. Hindi namin kayo papakialaman. Titignan namin kung paano nyo pakikisamahan ang team nyo at paano kayo magko-konekta sa loob ng court. Kayo na bahala. Papanoodin lang namin kayo." sabi ni Sharm. Tumango naman ang mga rookies.
"Bakit hindi ganito ang ginawa nyo samin noon?" tanong ko kay Avey. Nakakitbitbalikat sya.
"Sila Shiela ata nakaisip nito dahil nung kayo kayo ata hindi masyado kilala ang isa't isa." hindi naman talaga dahil kinabukasan pinagtraining na agad kami.
"Maganda ang team up ng White team." sabi ni Joey habang nakatingin sa white team na nagwa-warm up. Tumingin naman ako sa black team, doon lang sila nag-umpisa na magwarm up.
"Noimi and Gail kayo ang magreferee, tapos ikaw Anya scorer ka." utos ni Joey.
"Bakit ako? Si Kill na lang, dayo lang yan dito eh." nginisian ko sya at bineletan. Ano sya sinuswerte?
"Angal pa Anya, inubus mo nga yung pizza kaya ikaw magscorer dyan." sabi ni Sharm. Napatingin ako sa kanila ni Krystal, hindi na ata mapaghiwalay ang dalawang ito dahil lagi silang magkadikit, I mean laging nakaakbay si Krystal kay Sharm at minsan nakaback hug. Dati nung sila ni V at Sharm holding hands lang sila at sweet sa isa't isa kumpara ngayon sobrang dikit sila ni Krystal hindi na ako magtataka na may nangyari na sa kanila. Okay lang naman dahil mahal nila ang isa't isa.
Tumingin ako sa itaas para makita ang mukha ni Avey. Niyakap nya ako at hinalikan ang ulo ko. Napangiti na lang ako at sumandal sa kanya. Nakatayo sya sa likod ko habang ako nakaupo sa bench.
"Okay girls start na tayo! Pumunta na sa court ang first five nyo." sabi ni Abby. Sumunod naman sila.
Napansin ko na isa sa first five si Japan ng Black team. Katulad nila nacurious din ako sa pagkataon nya. Parang nakikita ko ang sarili ko non sa kanya.
Ang first five ng black team sila Japan, Torey, Nikki, Russel at Xenon. Sa white sila Jayden, Alexa, Zoe, Jhianne at Aj.
Inihagis ni Noimi ang bola sa itaas at ilang saglit pa tumalon na ang dalawang players na kukuha sa bola. Nakuha ng black team, ngayon na kay Nikki na yung bola at pinasa kay Torey na isa ding butch lesbian. Tumalon sya para maglay up pero hinarangan agad sya ni Jhianne ng white team, pero hindi yon hadlang para hindi nya ishoot ang bola. Sa likod nya itinira ang bola at walang ano anong pasok ang bola. Halatang magaling sya sa ganon.
"Edi wow!" sigaw ng isang butch na si Jayden. Mukhang itong tatlo 'to ay magkaibigan.
"Gago ka Jay wala kang bilang." trashtalk ni Torey. Sumayaw naman ng parang tanga si Jayden.
"Hoy Jayden para kang tanga umayos ka nga." sabi ni Aj tsaka pinasa kay Jayden ang bola. Agad naman nagtres si Jayden kahit wala sya sa three-point position. Nasa gitna sya ng court.
"Anong walang bilang? Mas taas bilang ko sayo oy!" ngumisi sya kay Torey.
"They're good huh." sabi ng baby ko. Hinalikan ko kamay nya.
"Naglalaro lang ata 'tong mga 'to." sabi ni Rachel sa tabi ko.
"Laro naman talaga yan." sabi ko. Ngumisi ako ng samaan nya ako ng tingin.
"Ano ba yan tambak." sabi ni Jayden. Ang daldal ng taong 'to at mayabang pero may ibubuga naman.
"Tambakan daw natin sila pagbigyan ano?" ganting sabi ni Russel.
"Girls baka naman magkapikunan kayo dyan. Seryoso nga kayo." sabi ni Juls.
"Ano ba yan si Ate Juls, KJ. Katuwaan lang 'to." sabi ni Xenon.
"Hindi yan Ate, we know our limits." sabi ni Aj.
"And beside, walang thrill kung walang trashtalkan right?" sabi ni Zoe. Napatingin naman sila Juls kay Avey. Natawa naman si Avey.
"You're right. Wag lang kayo magkapikunan." sabi ni Avey.
"Okay po!" sabay sabay nasabi nila. Nailing nalang sila Ella.
"Aba, may little me kayo dito ah." sabi ni Shiela. Napangiti lang kami ni Avey.
Hindi nagkakalayo ang score nila kung lamang ng isa ang black lalamangan din ng isa ng white. Ganon lang ang nangyayari nilalaro laro lang nila ang game. Wala masyadong moves na pinapakita. Puro basic at puro sila asaran. Mukhang close na nila ang lahat pati ang mga nasa bench nakikiasaran din.
"Enough of this boring game." biglang sabi ni Avey. Bumitaw sya sa pagkayakap nya sakin at kinausap si Ella. Hindi ko narinig yung pinag-uusapan nila dahil medyo malayo sila.
Tumawag ng time out si Ella at pinalapit sa kanya ang mga rookies.
"Naboboringan na ako sa laro nyo. Hindi nyo kasi sinuseryoso ang laro nyo. It's just a friendly game but remember you are here to train, to improve your skills, kahit na laro laro lang 'to kailangan nyong magseryoso. Nakikita nyo ang hawak na notebook ni Abby? Sinusulat nya dyan lahat ng kakayahan nyo kung saan kayo mahina at kung ano pa ang dapat iimprove sa inyo. Kung puro ganyan ipapakita nyo ano ang gagawin ng DBG para maimprove ang skills nyo?" sabi ni Avey. Natahimik naman ang mga rookies.
"Okay, para naman magseryoso kayo let's have the thrill." sabi ni Avey at ngumiting demonyo. I mean, yung ngiting may binabalak.
"Shet! tumaas balahibo ko." sabi ni V.
"Akala mo ikaw lang? Ako din noh! Ngayon ko lang ulit narinig ang thrill sa bibig ni Avey." sabi ni Zeke.
"Patay, akala ko pa naman hindi nyo mararanasan ang thrill ni Avey." sabi ni Gail.
"Goodluck na lang sa inyo." sabi ni Anya.
Natatawa sila Shiela sa mga rookies dahil halatang natatakot sila at nagtataka at the same kung ano ang nangyayari.
"Seseryosuhin nyo na ang laro nyo sa oras na sabihin na ni Avey ang thrill. Kung ako sa inyo pagbutihan nyo ang paglalaro nyo." sabi ni Juls.
"Kung magsalita naman kayo parang nakakatakot 'tong thrill na naisip ko." sabi ni Avey at ngumusong parang bata. Pasalamat sya malayo ako sa kanya kaya hindi ko sya mahahalikan.
"Nakakatakot naman talaga! Diba Kill?" tanong ni Noimi. Tumingin sakin si Avey.
"Goodluck rookies sana mabuhay pa kayo." seryosong sabi ko. Lalo silang natakot except kay Japan. Pinagmasdan ko ito ng mabuti.
"Baby naman! Hindi naman nakakamatay yung thrill ko ah!" sabi nya na nakapout. Hindi na ako nakatiis at nilapitan sya tsaka hinalikan sya.
"Ang landi mo Kill!" sigaw ni Anya.
"Hoy may rookies hindi na kayo nahiya!" nginisian ko lang si Abby.
"Her fault." turo ko kay Avey.
"Wag kami Kill alam ko galawan mo." sabi ni V. Tumawa lang ako.
"Avey sabihin mo na ang thrill mo lalong kinakabahan ang rookies sa sasabibin mo." sabi ni Joey.
"Okay. Ganito gagawin, ang matalo sa laban gagawin ang consequence at kailangan matapos ng seven ng gabi ang consequence na yon kung hindi walang pagkain." sabi nya.
"Shet nadamay na naman yung pagkain sa dinner." sabi ni Maybelle, palibhasa paborito ang pagkain.
"Anong consequence po ba?" tanong ni Russel.
"100 push up, 100 sit up, 100 long jump, 100 high knee, 100 jumping jacks, 5 km run." pagkasabi ni Avey ng ganon sabay sabay silang nagreact kasama sila Shiela.
"Ang dami naman!"
"Grabe kawawa sayo."
"Buti na lang hindi tayo kasali."
"Kawawa ang rookies kay Avey."
"Waah! Mamamatay ata ako sa consequence na yan."
"5 km pwedeng 2km na lang?"
"Ayokong matalo!" sabay sabay na sabi nila na halos wala na akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila.
"Simple lang diba?" tanong ni Avey. Tinakpan ko ang tenga ko.
"SIMPLE LANG?!"
------------------