Zoe's POV "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Bakit? ikaw lang ba pwedeng pumunta dito?" masungit na sabi nya. Napangiwi ako. Hindi na kami ganon ka-okay kaya hindi ko sya kayang sagutin pa. "Ikaw ba.." sumilip ako sa kanya. "Nagkumot sakin?" Tumingin sya sakin sa gilid ng mata nya tapos sa harapan ulit. Hindi sya sumagot. Napayuko na lamang ako at napangiti. "Wag kang ngumiti dyan, nakakairita." nagulat ako kaya napatingin ako sa kanya pero hindi sya nakatingin sakin. Paano nya nalaman na nakangiti ako? Biglang kumidlat at humangin ng malakas sa labas. Sobrang lakas ng bagyo ngayon. Sa tingin ko mababasa ako nito sa ulan kapag bumalik ako sa dorm at panigurado magkakasakit ako. Tumingin ako kay Alexa. Tahimik lang sya na nakatingin sa harapan. Dalawang tao ang pagitan n

