ELLIE
"Doc, kailangan po kayo sa Operating Room! Naglaslas po 'yong pasyente!Walang available na GS ngayon kaya sa inyo ko raw po ibigay sabi ni doktor Min!" Tarantang sabi niya. Kaagad naman akong um-oo at ibinaba ang tawag.
"I have an emergency surgery, Dave. Naglaslas daw iyong pasyente. Kailangan ko nang magmadali." Agad kong sabi kay Dave. Tumango naman siya kaya agad na akong tumakbo para makapagpalit. Mabilis kong isinuot iyong scrub suit ko at tumakbo ulit papuntang OR.
Nang nasa labas na'ko ay agad akong nag hugas ng kamay at pumasok ng parehong nakaangat 'yon hanggang sa ibabaw ng baywang ko. Ngunit nang makapasok ako ay agad akong napaatras.
Ang akala ko ba ay ako lang ang GS na available ngayon?
Nakita ko ro'n si Vic, nakatayo siya habang may nurse na nag-a-assist sa kaniya sa pagsuot ng gown. Damn!
So kaming dalawa ang hahawak ng operasyong 'to? Pambihira!
Bumalik naman ako sa huwisyo nang bigla akong lapitan ng isang nurse para i-assist sa pag-suot ko ng sariling gown. Matapos no'n ay agad akong naglakad papunta kay Vic. Napatingin siya sa'kin kaya agad naman akong nag-iwas ng tingin. Ito ang kinatatakutan ko! Ang makasama siya sa Operating Room!
Damn! Focus, Ellie! Buhay ng pasyente ang nakataya sa operasyong 'to!
"Kamusta ang pasyente?" Bungad na tanong ko.
"Stable naman ang lagay niya." Hindi ko na siya sinagot.
"Ako nga pala ang Lead Surgeon for this operation. Ang you--you'll assist me." dagdag niya. Hindi na ako kumontra pa. Mas mabuti na 'yon.
"Nag-suicide?" Tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot. Inilibot ko ang paningin sa buong OR, ayos na lahat. Nakaposisyon na iyong Anesthesiologist at iyong mga nurse. Hudyat na lang ni Vic ang hinihintay.
"The patient's name is Alexandra Mortiz, 17 years old and has a wrist injury. Let's start now." Saad niya kaya nagsimula na ang operasyon.
Nakatitig lang ako sa kaniya at sa mga ginagawa niya. Wala akong masabi dahil ang galing niya. Wala yata akong nakitang mali sa ginawa niya. May mga sandali na hindi ko namalayang tinatawag niya pala ako para maiabot ko sa kaniya 'yong tools. Nakakahiya!
Naging successful naman 'yong operasyon dahil hindi naman gano'n kalalim iyong sugat. Noong huli, ako na ang hinayaan niyang magsara sa sugat ng pasyente.
Bago lumabas ay nagpasalamat kami sa nurse at sa Anesthesiologist na nakasama namin. Sabay kaming naglalakad palabas nang may sabihin siya.
"Mga kabataan nga naman ngayon, kaunting problema lang ay kikitilin na kaagad ang buhay. I heard nakipag-break sa kaniya 'yong boyfriend niya kaya siya naglaslas. Pathetic."
What? Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at naging dahilan din ng pagtigil ko sa paglalakad. Paano niya nasabi 'yon? Ah, hindi niya nga pala kasi alam kung gaano ka sakit ang maiwan.
"Tsaka mo na sabihin 'yan kapag ikaw na ang iniwan. Don't call her pathetic, hindi mo alam ang pinagdaanan at ang buong kwento niya." Naiinis kong saad.
Matapos kong bitawan ang mga salitang 'yon ay naglakad na'ko palabas ng OR. Agad kong hinugasan ang mga kamay at naglakad papuntang locker para magbihis.
Hindi ko namalayan na habang naglalakad ako ay panay na rin 'yong pagtulo ng luha ko. Pinahid ko naman kaagad 'yon.
Naiinis ako! Hindi niya alam ang pakiramdam ng naiwan! Alam ba niya kung ilang buwan akong nagmukmok at kung ilang rolyo ng tissue ang nauubos ko sa isang araw dahil lang sa kakaiyak?
Alam ba niya iyong pakiramdam na simula nang iwan ka ng taong mahal mo ay parang iniwan ka rin ng lahat? Iyong siya lang ang tumalikod pero pakiramdam mo ay tinalikuran ka na rin ng mundo? Hindi! Hindi niya alam dahil siya mismo ang nang-iwan!
Habang paakyat ako ng hagdan ay nakasalubong ko si Dave na ngayon ay suot na ang bagong damit. Wala na itong bahid ng mantsa ng kape.
Nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang umiiyak ako. Alam kong magagalit siya kaya bigla akong tumakbo at nilampasan siya. Tinawag niya pa ako pero hindi na ako lumingon pa.
Dumiretso ako sa locker at kinuha ro'n ang coat at damit ko. Agad naman akong nagbihis. Habang naagbibihis ay sinimulan kong ayusan ulit ang sarili dahil may bakas pa ng luha sa muka ko. Hindi 'to pwedeng makita ni Vic.
Nang makalabas ako ay dumiretso muna ako sa nurse station. Wala naman akong gagawin, ayaw ko lang dumiretso sa opisina dahil alam kong makikita ko siya do'n.
"Nurse, kilala mo ba iyong bagong pasyente? Iyong kakalabas lang galing sa OR? Iyong Alexandra Mortiz ang pangalan." Paunang tanong ko sa nurse na nando'n.
"Ah! Iyong may laslas, doc?" Namimilog ang matang sabi niya.
"Yes. Alam mo ba kung bakit siya naglaslas?" Tanong kong muli. Hindi ko alam pero curious ako sa kwento ng pasyenteng 'yon. Wala naman talaga akong balak magtanong tungkol sa kaniya. Pero kasi, what if kailangan niya ng kausap? Hays!
"Ay! Dok, tahimik ka lang ah?" Saad ng nurse tapos ay lumapit ng kaunti sa'kin. Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon pero wala akong nagawa kundi ang tumango.
"Ang nasagap ko kasing balita, hindi naman daw talagang nakipag-break sa kaniya iyong boyfriend niya. Siya ang may gustong makipag-break." Bulong niya sa'kin.
What?
"Eh bakit siya naglaslas kung siya rin mismo ang nakipag-break?" Kunot noong tanong ko.
Medyo nag-alangan pang sumagot iyong nurse pero lumapit ulit siya para bumulong.
"Kaya naman siya naglaslas dahil pinagsamantalahan raw siya ng boyfriend niya, dok."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong 'yon. P-Pinagsamantalahan? Ganito na ba talaga ang mga kabataan sa panahon ngayon? Ang pagkakaalala ko ay 17 years old lang siya? Damn!
"Dok, atin-atin lang iyong mga sinabi ko ha?" Mahinang saad ng nurse. Tumango naman ako.
"Alam mo ba kung anong room number niya?"
"Room 103, dok. Bakit po?"
"Ah. Wala. Sige, una na ako."
Matapos kong magpaalam ay agad kong tinahak ang daan papuntang room 103. Hindi ako nahirapan pa dahil alam ko kung saan banda 'yon.
Nang nasa tapat na ako ng kwarto ay agad akong kumatok. Pinagbuksan naman kaagad ako ng isang may edad na babae. Siguro ay nanay niya ito.
"D-Dok! Kayo po ba ang doktor ng anak ko?"
"Hindi po, misis. Nagpunta lang ako dito para sana dahil may sasabihin lang po ako. Ako nga pala si Dr. Saavedra, ako po ang nag assist sa surgery kanina ng anak niyo."
"Ay dok! Pasok po!" Agad niya namang nilakihan ang bukas ng pinto para sana makapasok ako pero hindi ko na iyon ginawa dahil wala naman akong balak na tumagal.
"Nako! Hindi na po. Ah, misis, pwede niyo po ba akong tawagan kapag magising na si Alexandra?"
"Ay! Bakit po?" Takang tanong niya.
"Gusto ko lang siyang kamustahin. Sabihan niyo na lang po ang nurse na mag-chi-check sa kaniya bukas kapag nagising siya. Sabihin niyo po na tawagan ako kapag magising na ang pasyente." Nakangiti kong saad.
"S-Sige, dok. Maraming salamat!" Emosyonal na saad niya.
Wala na akong balak pang umiyak kasama siya kaya agad na rin akong nagpaalam para bumalik sa nurse station.
Hinding hindi ako babalik sa opisina. Damn you, Vic!