Chapter 11 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ TATE P.O.V Binalot ko ang sarili ko ng kumot upang takpan ang kahubdan ko, habang si Jacob naman ay lumayo muna sa akin at sinagot ang tawag sa kanyang telepono. Sinara niya ang glass door ng terrace at doon nakipag-usap. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, pero kitang-kita ko ang matatamis na ngiti sa labi ni Jacob habang may kausap siya sa telepono. Napaiwas ako ng tingin at saka bumaba mula sa kama. Dinampot ko ang mga damit ko at nagtungo sa banyo upang maglinis ng katawan. Ilang minuto akong nasa banyo, tulala at nag-iisip tungkol sa nangyari sa amin. Ilang beses na itong paulit-ulit na nangyayari, pero wala namang sinasabi si Jacob tungkol sa kung ano ba talaga ang estado namin sa isa’t isa. Baka isa lang ako sa mga

