Chapter 22 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OEN RISK❗❗❗ TATE'S P.O.V. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang paligid ko. Nasa isang golf course kami ngayon dito sa Pasay, at sinama ako ni Esmeralda. Kahapon, tinanggap ko ang alok niya matapos ko siyang tawagan gamit ang iniwan niyang numero sa akin. Maraming kailangang inumin na gamot si Nena, ngunit wala naman kaming pambili kaya nakapagdesisyon akong tanggapin ang alok nito. Nagising na rin siya noong nakaraang araw. Isang linggo pa siyang mananatili sa ospital bago makauwi sa ampunan. Pinayagan naman ako nina Sister Emma na magtrabaho kay Esmeralda o mas tamang tawaging Miss Esmeralda dahil amo ko na siya ngayon. Bagot na bagot na ako habang naghihintay sa isang bench na bakal sa loob ng lobb

