Chapter 54 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ THIRD PERSON P.O.V "Kung nakapangalan kay Esmeralda ang sasakyang 'yon, anong ibig sabihin noon—na tauhan 'yon ni Esmeralda?" tanong ni Loida kay Tate. "Hindi eh, Loida. Matagal ko nang kilala si Esmeralda, at wala akong alam na tauhan niya," naguguluhang sagot ni Tate habang ipinapaliwanag kay Loida ang natanggap niyang mensahe mula kay Attorney Chua. "I smell something fishy sa pagkatao ng dati mong employer. Kailangan nating malaman kung sino ang mga sakay noon dahil hindi tayo makakabalik sa Maynila kung alam nating pareho na hindi tayo ligtas," sagot ni Loida, halatang nag-aalala. "Iniisip ko na rin 'yan, Loida. Pero hangga't nagtatago tayo, walang mangyayari." "Anong ibig mong sabihin?" "May plano ako." makahulugang

