Chapter 28 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ THIRD PERSON P.O.V Humikab si Tate dahil sa nararamdamang antok. Kanina pa siya nagta-type sa kanyang computer para tapusin ang mga ipinagagawa sa kanya ng kanilang HR. Abala ang lahat dahil mamayang gabi ay magkakaroon ng company party. Nakiusap ang HR kung puwede siya ang tumapos ng mga dokumentong kailangang i-submit dahil may kanya-kanyang tasking ang mga ito para sa event. Isa si Tate sa kinakabahan sa mga mangyayari mamaya. Bukod sa bagong salta pa lang siya, hindi pa rin niya nakikita nang personal ang kanilang boss. Pero, sa isang banda, mas maigi na rin iyon dahil nagkaroon siya ng oras na pag-aralan ang bawat detalye ng mga iniwang trabaho sa kanya ni Miss Yvone. "Hi Tate, hindi ka pa ba tapos? Alas-singko na oh! Pwed

