Chapter 51 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗❗❗ THIRD PERSON P.O.V Isang linggo matapos ang nangyari kay Jacob, nakalabas na rin ito ng ospital. Bagaman hindi pa siya pumapasok sa trabaho, nakakalakad na siya at maayos na ang kanyang kalagayan. Lagi namang nakaalalay sa kanya si Tate at patuloy siyang ina-update tungkol sa mga gawain sa opisina. Tulad ngayon, nag-overtime na naman si Tate para tapusin ang report na ipapasa nila mga kasosyo abroad. Napakislot siya nang mag-vibrate ang kanyang cellphone sa tabi niya, tumatawag si Loida. Agad niya itong sinagot. "Hello, Loida. Napatawag ka?" "Hindi ka pa bababa? Alas-siyete na, pauwi na ako," sagot nito. Simula nang bumalik siya sa opisina at nagdesisyong huwag na siyang paalisin ni Jacob, palagi na silang magkasama sa halos

