NAPAIRAP ITO nang magsalubong ang mga mata namin at agad tumalikod. Napahinga ako ng malalim na mapait napangiti. Kailan naman kaya niya ako balak kausapin? Ano itatapon na lang niya ang friendship namin ng ganong-ganon lang? Ang babaw naman niya.
"Bakit?" untag ni Wendell sa pagkakatulala ko. Pilit akong ngumiti na umiling dito. Maya pa'y naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa na agad kong hinugot.
Impit akong napatili na natutop ng palad ang bibig na mabasa ang message mula kay Migo!
"Sorry my love nitong nakaraan. Babawi ako, magkita naman tayo please? Mis na mis kita. I love you"
Napapatalon akong napapairit na ikinatawa at iling sa akin ni Wendell.
"Magpatingin ka na Vian. Nakakatakot pala ma-inlove"
"Hahaha! Ang KJ nito! Pero ang saya-saya ko Wends. Magkakaayos na kami at tingin ko babalik na ulit siya sa dating makulit at malambing na boyfie! Tama ka, mukhang may pinagdaanan lang" bulalas kong abot tainga ang ngiti na napayakap ditong napahalakhak na yumakap din at hinagod-hagod ako sa likod!
"O siya. Mas masaya naman akong makita kang ganyan na sobrang saya Vian. Ang swerte ni Migo. Napapasaya ka ng ganyan at napapaningning ang mga mata mo"
"Wends" umiling itong natawa.
"Ano ka ba. Nag-eemote lang. Sige na. Makipagkita ka na sa kanya Vian" pagtataboy nitong ikinangiti kong muli itong niyakap.
"Salamat talaga Wends" matapos kong magpaalam kay Wendell ay tinawagan ko agad si Migo na sa meeting place kami magkikita. Sa cathedral na lagi naming pinupuntahan tuwing nagkikita kami ng linggo. Kagandahan kasi ay pareho kaming Catholic kaya hindi issue sa amin ang magkasamang magsamba sa Poong Maykapal. Lalo na sa iisang simbahan, iisang religion.
NAPAPANGITI AKONG sinalubong itong niyakap ng mahigpit! Natatawa naman itong ginantihan ang yakap ko at pinaghahalikan ako sa ulo. Tumulo ang luha kong mas niyakap ito na sa wakas ay nagkaroon din siya ng time sa akin at pinagbigyan akong magkikita kami.
"Shh... I'm sorry, tahan na my love" panunuyo nitong ikinulong ang mukha ko sa palad nito at panay ng halik sa buong mukha ko.
"Ang sama mo" humihikbing panunumbat kong ikinatawa nitong siniil ang labi ko!
Napahigpit ang kapit ko sa laylayan ng polo nito dala ng hiya dahil nandidito kami sa children's park ng cathedral na tagpuan namin at may mga tao kaming kasama ditong napapairit pa sa panghahalik nito sa kin sa publiko!
"Umpp...t-tama na nakakahiya" awat ko na nilayo ang mukha ditong naghahabol hininga tulad ko.
"Sorry mis na mis kita eh" natatawang saad nitong hinihingal.
"Binabalewala mo nga ako eh" pagtatampo ko. Bigla din naman itong nagseryoso na tumuwid ng tayong napatikhim.
"I'm sorry my love"
"Gusto ko yong paliwanag Miamor. Ayoko sa sorry mo na paulit-ulit na lang" pagtatampo ko pa rin dito.
"Halika nga dito" paglilihis nitong niyakap ako ng mahigpit at panay ang halik sa ulo ko. Napayakap na rin ako ditong nangingiti. Parang hinahaplos ng bawat halik nito ang mga pagdaramdam ko dito ng ilang linggo.
Nagpatianod ako dito nang igiya niya ako sa swing at pinaupo sa lap nito. Nag-iinit tuloy ang mukha ko na napapalingon sa amin ang iba at nagbubulungan dahil nakayakap ito sa akin na siniksik ang mukha sa leeg ko. Buti sana kung walang ibang ginagawa pero pasimple naman siyang naninipsip sa leeg kong ikinasisinghap ko at pigil-pigil ang sariling mapaungol sa ginagawa nito! Idagdag pang pareho kaming naka-uniform at school hours pa lang namin. Napaghahalataang nag-cutting classes tuloy kami!
"M-Migo....tama na" mahinang saway ko dito dahil dama kong unti-unti na ring nag-iinit ang katawan ko at nagugustuhan ang ginagawa nito.
"Uhmm..Vi" napalunok akong nanghihinang naisandal ang katawan dito sa mahina niyang pag-ungol!
"M-Migo hwag dito..Nakakahiya" awat kong pinipisil-pisil na ang braso nito. Napabitaw din naman itong niyakap ako at pinatong ang mukha sa balikat ko. Tumatama tuloy sa mukha ko ang mabibigat nitong paghinga na halatang natatangay na rin sa kanyang sariling kapilyuhan!
"Sorry my love. Nakakatangay eh" bulong nitong mahinang ikinatawa kong nasiko ito sa tyan. Napahagikhik naman itong mas niyakap ako.
ILANG ORAS DIN kaming nanatili ni Migo sa park. Nagkwentuhan ng mga ganap sa buhay bago nagtungo sa malapit na restaurant at nananghalian. Hindi na nga niya ako pinabalik sa klase ko at nag-date na lang kami. Sinulit ang sandali ng ilang ilang linggo naming 'di pagkikita.
"M-Migo" paanas ko na napayakap dito. Kahit sanay na ako na napapa-check in kami ng hotel and resort ay kabado pa rin naman ako. Lalo na't alam kong may mangyayari sa amin na gusto ko rin naman.
"Ayaw mo ba?" mabilis akong umiling na kumalas mula sa pagkakayakap dito. Napangiti itong napahaplos sa pisngi ko na matamang nakatitig sa akin ang mga mata nitong malamlam na at tila nakikiusap.
"G-gusto" mahinang pag-amin kong ikinalapad lalo ng ngiti nitong dahan-dahang yumuko na inabot ang labi ko.
Napakapit ako ng mahigpit sa laylayan ng uniporme nito sa malalim niyang paghalik sa aking halos higupin na ang buong labi at laway ko! Ibang-iba ang ginagawad niyang halik ngayon na bakas ang kasabikan dito habang naglalakbay na ang mga kamay nito kung saan-saang parte ng katawan kong ikinasisinghap kong pinanghihinaan na ng tuhod!
"Uhmm... M-Migo" napatingala akong bumitaw sa labi nito dahil dama kong nauubusan na ako ng hangin sa baga pero mukhang wala pa rin siyang planong lubayan ang bibig kong nilalamutak!
Mariin kong nakagat ang ibabang labi na pinipigilan ang pag-alpas ng ungol ko habang hinahayaan itong humahalik sa leeg ko at panakanakang sinisipsip ang balat ko! Nangangatog ang mga tuhod kong napasandal sa pinto nitong silid namin habang ito nama'y isa-isa nang kinakalas ang butones ng uniporme ko! Nanghihina ako na tangay na tangay na sa init na naghahari sa aming dalawa ngayon lalo na't kita ko sa kanyang mga mata na nag-aapoy na ang mga yon ng matinding kasabikan at pagnanasa tulad ko dito!
"Migo" para akong malulunod na napatitig ditong kay bigat na rin ng paghinga tulad nito. "Migo mahal kita" naluluhang sambit ko sa pagkakalas ng lahat ng saplot namin.
"Mahal na mahal din kita Vi" napalabi akong napayapos sa batok nito. Sabay tuloy kaming napaungol sa pagkakadikit ng aming hinaharap lalo na't pumintig ang alaga nitong nakatutok na sa kepchay ko!
"T-tiwala ako sayo miamor" napangiti itong mas hinapit ako sa baywang at idiniin sa sarili.
"Salamat. Alam ko naman yan. Bagay na ipinagpapasalamat ko sayo Vivian. Salamat sa malaking tiwala mo, ang mahalaga naman ay hindi ako nambababae 'di ba?" napangiti akong tumingkayad na napa-smack-kiss sa labi nito.
"Oo naman. Pero ayoko pa ring naglilihim ka sa akin ng mga problema mo. Girlfriend mo ako Migo. Handa naman akong makinig at samahan ka sa hirap man o ginhawa"
Matagal-tagal kaming nanatili sa ganong posisyon na nakayakap at nakamata sa isa't-isa na tila nag-uusap sa pamamamigatan ng aming mga matang nagkakatitigan na may matamis na ngiti sa labi!
other side of the story:
"Migo!" napalingon ito sa pagsigaw ko sa pangalan nito. Nasa kabilang gilid kasi ako ng kalsada kaya kailangan kong sumigaw para marinig niya ako.
Napalis ang ngiti nito na makita ako at kaagad nagpaalam sa limang lalakeng katulad din nito ang uniporme. Mga criminologist din. Hinintay ko itong makatawid ng kalsada at agad sinapak sa panga pagkalapit nito sa akin. Napagewang itong muntik sumubsob sa semento. Hindi pa ako nakuntento at sinipa ko ito sa tadyang na ikinadaing nitong tuluyang bumagsak sa semento!
Napapatingin na ang mga tao sa amin dahil labasan ngayon ng mga estudyante pero wala akong pakialam!
Naupo ako sa tyan nito na kwinelyohan at bahagyang ibinangon. Nanlilisik ang mga mata ko dito na dumugo ang bibig!
"Ang kapal ng mukha mo! Sino ka ba sa akala mo huh!?" bulyaw ko sa nanginginig na bosea at punong-puno ng galit at panggigigil!
"Ano bang problema mo!" ganting sigaw nito. Pagak akong natawa na pabalang binitawan ito.
"Anong problema ko? Ikaw ang problema ko!" napangisi itong 'di manlang mabakasan ng takot sa kanyang mga mata.
"Bakit mo naman ako pinoproblema huh? Bakit? May gusto ka ba sa akin?" mapang-uyam nitong saad na ikinapantig ng panga kong akmang susuntukin na naman itong 'di manlang kumurap sa kamao kong gahibla na lang ang layo sa kanyang mukha!
"Umayos ka. Binabalaan kita Migo. Hwag mong pinapaiyak si Vivian. Pakawalan mo na lang siya, kung hindi mo siya kayang panindigan. Hindi ka deserving sa isang katulad niya" natigilan itong napalunok at kita ang pagdaan ng guilt at sakit sa kanyang mga mata.
"Ano bang pinagsasabi mo. Wala akong planong lokohin si Vivian lalo na ang pakawalan siya. Wala kang alam kung gaano ko siya kamahal" tumayo na akong inalalayan din itong makatayo.
"Pero bakit mo siya pinapaiyak. Lagi siyang umiiyak dahil sa pambabalewala mo" napahinga ito ng malalim na inakay ako sa kaharap naming coffeeshop. Sa gilid kami pumwesto kung saan walang masyadong tao.
"Wendell, hindi tayo magkaibigan. Pero dahil kay Vivian konektado tayo sa isa't-isa" natigilan akong napatitig ditong seryoso ang itsura. "Pwede ba akong makiusap sayo" napalunok akong napatango.
"Oo naman. Kahit ano, kung makakabuti naman kay Vivian bakit hindi" pilit akong ngumiti na ikinangiti na rin nito.
"Kung sakaling may masamang mangyari sakin. Si Vivian....." nangilid ang luha nito na mapait napangiti. Natigilan akong kinabahan sa nakikita at narinig dito.
"Migo. Ano bang sinasabi mo?" napailing itong nagpahid ng luha. Para akong kinurot sa puso. Tagos na tagos. Lalake ako, at alam kong hindi basta luluha ang isang lalake dahil sa babae kung hindi ito nadudurog ng lubos!
"Tiwala naman ako sayo. Alam ko. Hindi mo siya pababayaan kung sakaling mawala ako"
"Baliw ka na ba!?" singhal ko ditong nangingilid na rin ang luha. Pakiramdam ko kasi ay nagpapaalam na ito at hinahabilin sa akin si Vivian.
"Napahamak ako eh. Hindi na ako makalabas. May nasalihan akong prat. Marami akong kasamang gustong mag-backout. Susubukan kong ayusin ang gusot na napasok ko. Ayokong madamay si Vivian dito, kaya ako umiiwas sa kanya. Pero kung sakali, kung sakali na hindi ako palaring makawala sa grupong yon? Pwede bang ikaw na lang. Ikaw na lang ang mag-alaga sa mahal ko. Kapag dumating ang araw na......" napayuko itong napahagulhol. Hindi ko na tuloy napigilan ang sariling mapahagulhol na rin na mahigpit itong hinawakan sa balikat.
"Migo. Hwag ka namang ganyan pare. Hindi ko naman siya hinihingi sayo eh. Ang gusto ko lang pasayahin mo siya. Dahil hindi ko yon kayang ibigay sa kanya kahit gustong-gusto ko siyang mapasaya. Kasi hindi naman ako ang mahal niya. Ikaw ang mahal niya Migo. Hindi na yon magbabago. At tanggap ko yon" umiling itong nagpahid ng luha. Tumitig siya sa mga mata kong naglahad ng kamay na tinanggap ko. Mahigpit niyang hinawakan iyon na ikinalunok ko.
"Wendell, si Vivian" may hinugot ito sa bag na keypad cellphone t iniabot sa akin. Nagtataka man ay tinanggap ko pa rin yon. "May mga voice recording ako dyan para sa kanya. Mga kanta na paborito niya. At kung gaano ko siya kamahal. Kapag hindi ako pinalad at may mangyayari sa akin sa pagkalas ko sa prat? Pakibigay yan sa kanya. Para kahit paano ay madamayan ko siya sa oras na wala na ako" tumulo ang luha nitong may ngiti pa rin sa labi. Ngiti na para siyang nagpapaalam.
"Migo umatras ka na lang. Magpakalayo-layo ka. Para makaiwas ka sa panganib na naghihintay sayo. Gawan natin ng paraan" umiling itong nagpahid ng luha.
"Marami ng gumawa niyan, pero binalikan sila ng grupo at ang mga mahal nila ang pinarusahan. Ayokong madamay si Vivian Wendell. Tatapusin ko ito ng maayos"
MATAGAL-TAGAL kaming natahimik na nakamata sa in-order naming kape. Lumamig na nga pero hindi manlang namin nasimsiman.
"Pwede din bang makiusap sayo?" tumango lang naman ito.
"Puntahan mo naman siya. Ilang linggo na siyang laging tulala at napakatamlay na ang lalim lagi ng iniisip. Ni hindi nga siya nakakakain ng maayos at halatang laging puyat at mugto ang mata" nangilid ang luha nitong tumango. Kita ang pagdaan ng lungkot at guilt sa mga mata nito.
"O sige. Mis na mis ko na rin naman na siya. Nadudurog din ako na umiiwas dito" napalapat ito ng labi na tumulo ang luhang agad pinahid. "Basta ipangako mong hindi mo siya pababayan pare"
"Pangako, hindi ko naman siya pababayaan Migo. Pero ipangako mo, hindi ka mamatay" natawa itong napailing.
"Dyan natin mapapatunayan kung mabuti o masamang damo ako Wendell" biro nitong ikinatawa ko na rin ditong napailing. Pero maya pa'y nagseryoso na naman itong naglahad muli ng kamay.
"Masaya akong makakasundo naman pala kita. Salamat sa pag-aalaga kay Vivian. Pero seryoso ako pare, kung sakaling mawala ako? Si Vivian......pinapaubaya ko siya sayo" napalunok akong napatitig sa kamay nitong nakalahad at wala sa sariling natanggap iyon.
"Hwag mong pababayaan......ang pinakamamahal ko"
"Pangako. Hindi ko siya pababayaan Migo"