~~First Person: Kate~~
"Hala!"
Pagkagulat ni Kriz at tumayo siya mula sa upuan na naka-harap sa salamin na may drawer. Hinawi n'ya pasara ang kurtina ng one-way mirror na tagos sa shower room. Naliligo nga doon si ate Ryza.
Ganito ang galawan ni Kriz sobrang conservative at old fashion. Lola kasi ang nagisnan niyang nagpalaki sa kanya. Nasa abroad sa Middle East ang pareho nyang magulang at sampung taon na nyang di nakikita. Maswerte pa sya sa lagay na yun dahil ang sumunod sa kanyang kapatid ay lalake. At halos di nakilala ng personal ang kanilang mga magulang. Nung makapag-padede lang hanggang anim na buwan sa kanyang kapatid at magkaroon na ng oportunidad sa Middle East ay nakipagsapalaran agad ang kanyang ina. Siya lang ang umuwi sa Pilipinas na hindi kasama ang tatay. Hindi pa kasi kasal ang kanilang magulang; at bawal yun sa Middle East kaya habang hindi pa halata ang kanyang tiyan ay sinikap niyang makauwi at maisilang muna ang sanggol.
Na-depressed din ang nanay ni Kriz, at parang nagkaroon ng post-partum syndrome kaya naging masungit ang nanay nya sa halos lahat ng tao pwera sa bunso nyang kapatid na si Dan (Danilo). Kaya lumayo ang loob nya sa kanyang nanay. Wala pa silang bahay nu'n at katatayo lang ng maliit naming two-storey house na 40 square meters. Kaya mula preparatory hanggang elementary, junior high ay same school kami at nagiging magka-klase rin. Kaya bestfriend ko talaga itong baklang to. Tinatawag namin syang bakla contrast sa kanyang personility. Ang manang kasi ng ugali. Ilag s'yang makipag-usap basta anumang tungkol sa mga senswal na bagay.
Mahahaba ang mga biyas ni Kriz; napansin ko na 'yun nung grade 4 pa lang kami, mga 9 or 10 years old pa lang kami. Talagang siya ang pinakamatangkad sa aming magpi-pinsan noon pa man. Di kami makahabol sa kanyang tangkad.
So, kung s'ya ang lamang sa height; si ate Ryza sa maturity; at ako naman ay sa b°°bs. May isa pa kaming pinsan na siya naman pinakamababa ang height~~Si Sofia.
"Pare-pareho naman tayong babae. Ikaw naman. Bakit parang ang- conservative mo?"
Sabi ko kay Kriz, at agad naman s'yang nag-react.
"S'yempre private part n'ya yun, e. Ikaw ba gusto mong nakikita ang ano mo?"
Siguro itong si Kriz talaga ang dahilan kaya may pagka-konserbatibo, na ewan ako. Sa lalim ng pinagsamahan namin ayaw ko namang umiwas sa kanya at basta na lang matuldukan ang pinagsamahan namin. Pero nakakaramdam na rin kasi ako, na gusto ko nang kumawala sa hawla. Feeling ko kaya kong maiwaksi itong fixation ko sa kanya; at paunlarin ko naman ang sarili kong pagkatao. Baka mas lalong makilala ko ang aking sarili. Nagawa nga n'ya akong pagtaguan ng sikreto nu'ng mag-entrance exam s'ya on-line at makapasa sa isang unibersidad dito sa Maynila. Feeling ko tuloy napagi-iwanan ako sa aming magpi-pinsan.
Lumalabas na nga unti unti ang kanya kanya naming paguugali at katauhan. Samantalang noon nga ay sabay kami ni Kriz na pinaliliguan ng lola n'ya. At may ugali kaming umiihing sabay doon sa backdoor ng kusina namin. Pagka-gising namin sa umaga sabay kaming nagbababa ng shorts at panty at uupo dun at iraraos ang aming pantog.
May natural na kaputian kumpara sa akin si Kriz. Girly sya talagang tignan. Rosy ang kanyang nips. Unang tinubuan ng balahibo ang kanyang miming kumpara sa akin. Ganun ko kakilala si Kriz dahil halos sabay naming ginagawa noon ang lahat ng bagay. Pero nu'ng maipundar nila ang kanilang bahay na bungalow sa minanang lupa nila sa kanilang lolo (tatay ng papa ni Kriz) ay dun napatid ang sobrang closeness namin. Mga grade 7 na kami n'un; 12 o 13 years old kami.
Ngayon nga ay parang nagkikiskisan ang mga magagaspang na naming ugali. Parang mga pinong papel de liha.
"Ikaw nakita mo na rin naman ang katawan ko. Ikaw, nakita ko na rin naman ang iyo. Pati si ate Ryza; tayo; pag sabay nagpapalit ng damit sa kwarto ko. Ba't parang asiwang asiwa ka na ngayon? Paano 'yan kung makakuha tayo ng dorm o magkasama sa iisang kwarto?"
Tuloy tuloy kong pananalita kay Kriz.
"Gusto ko nang maging independent, Kate."
Parang may dumaang anghel sa katahimikan. Huminto rin yung lawiswis ng shower. Tapos na atang maligo si ate Ryza. Kung ano yung lamig ng aircon ay parang nagbaga naman sa aming damdamin ni Kriz ang huntahang iyon; na unti unting lumiliyab at tumutupok sa aming mga sarili.
S'yempre gaya ng lagi kong ugali di ako sumasalubong at kumokompronta. Hindi ako iyaking tao, pero yun na ata ang magiging unang pagpatak ng aking luha~~ sa bestfriend ko pa na itinuring.
"Gusto kong maging malaya sa gusto kong gawin. Yung walang nagsasabi kung anong dapat kong gawin. Oo, alam ko immature ako kaso, hanggang kailan?"
"Gusto kong magkaroon ng ibang kaibigan."
Dugtong pa n'ya.
"So, ayaw mo na 'kong makasama ganu'n ba?"
Sabat ko na nasa tono na papaiyak na. Parang may palaka sa bibig ko na nagpalaki ng boses ko, at suminghot ang aking ilong.
Hindi agad umimik si Kriz. Nagbago ang tingin ko kay Kriz, hindi na siya yung girly girly na Kriz na kilala ko.
"Kaya ba hindi mo ipinaalam sa akin na nag-take ka ng entrance exam at maga-aral ka dito sa Maynila? Sana diniretso mo na lang ako... Mahirap ba yun?"
Nadatnan na kami ni ate Ryza na may tension ng emosyon. Basta, galit ako ngayon na may halong pagkirot ng damdamin. Nasaktan ako sa aking natuklasan kay Kriz. Ayaw na n'ya pala akong makasama; at isang paraan ang paga-aral nya dito sa Maynila para makalayo sa akin.
Pero bakit? Wala naman akong naiisip na kasalanan ko sa kanya? Gusto ko nang kasagutan sa aking malaking tanong na iyon...
"Kriz, may nagawa ba akong masama sa iyo?"
Kapwa na kami tumatangis ni Kriz. Tumabi sa akin si ate Ryza at hinagod ang aking likod. Ako kasi yung talagang napaiyak ng sobra, at si Kriz ay napipigil pa niya.
"W-wala kang kasalanan sa akin, Kate. Siguro ako lang to. Yung sobrang higpit ni nanay (lola n'ya) sa akin ayaw ko na ng ganun. Gusto ko namang maranasang makapagdesisyon sa sarili kong buhay. Ang tingin nyo tuloy sa akin parang di makabasag pinggan. Nene pa... Tsaka sabi nyo ang- 'manang' ng ugali ko. Oo, sinunod ko lahat ng sinasabi sa akin ni nanay; pero nagbabago kasi tayo, e."
Nung napakinggan ko 'yun ay naibsan ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib. Natuyo ang luha sa aking mga pisngi. Nanahimik ako.
"Talaga sigurong nasa stage na tayo ng pagma-mature. Adulting problems ba."
Pagbasag ng katahimikan ni ate Ryza. Di kami kapwa umiimik ni Kriz.
"Kaya lang siguro nahihiya tayong mag-open up kasi baka husgahan tayo. Naramdaman ko rin yan, at kahit ngayon na 18 na ko hindi pa ako ganun ka-sobrang totoo sa sarili ko. Naglilihim ako, oo normal kasi yun. Miski sa inyo na mga pinsan ko. Hindi sa itinuturing ko kayong ibang tao, pero baka kasi mas maganda yung nararanasan ninyo kaysa sa akin... Ewan ko."
Nage-gets ko si ate Ryza, ewan ko lang si Kriz... Kasi nga may natuklasan ako sa kanya na sa una ay itinanggi n'ya, pero bandang huli ay parang inamin n'ya na rin. Ang alam ko, hindi pa alam ni Kriz yun kasi nga sobrang personal. Gustong gusto ko nang maging sobrang open kaya nasa dulo na ng dila ko, na buksan ang paksa tungkol sa naging karanasan ni ate Ryza sa bagay na yun.
"D-di ba s-sabi mo nu'n, m-may nangyari sa iyo sa inuman?"
Nauutal kong pagbubukas ng paksa. Di ko na napigilan.
"S-sorry, ate..."
Pagso-sorry ko dahil alam kong pinakaiingatan n'ya yung sikreto.