Hanggang matapos na nga nila ang training nila. "Good morning to all. Ako nga pala si Harold De Asia," pakilala ng isa sa may pinakamataas na posisyon sa production ayon kay Ms. Greta. "Ako ang manager ng production three kung saan kayo maa-assign. Ngayon ang araw kung saan lahat kayo ay magsisimula na bilang isang official employee ng IEC. Kapag naroon na kayo ay maiiwan na kayo sa magiging leader niyo. Sila na ang maghahatid sa inyo sa magiging work station niyo base sa qualifications niyo. Nai-discuss naman sigurong lahat sa inyo ang tinutukoy ko hindi ba?" tanong nito para sa kanilang lahat na nakapasa sa training. "Sa ating company premises ay inuuna ko na sa inyo. Kailangan ninyong sundin lahat ng naroon sa manual. Walang labis at wala rin kulang. Sabay-sabay natin tuparin ang laha

