Kinabukasan ay nakangiting gumising si Adeline habang inihahanda siya sa mga tests na gagawin. Sumasakit pa rin ang kaniyang ulo pero hindi na niya halos indahin dahil sa sayang nararamdaman dahil sa mga nangyari noong gabi. “Ready?” tanong ni Paul. Matipid ang ngiti ni Adeline saka tumango rito. Hindi sa hindi siya nagpapasalamat na may kasama pero hindi niya kayang itanggi sa sarili na gusto niya sanang kasama ay si Henry. Itinulak na siya ni Paul palabas ng kwarto nang dumating si Alice. “Sup, maprend.” Bati ni Alice. “Ang yaman mo siguro no? Wala kang gawa sa buhay,” bati pabalik ni Adeline na nagpatawa naman ng sobra kay Alice. “Nakakaproud, hindi mo man naalala pero ganitong-ganito ka sumagot. But yeah, sobrang yaman ko,” “Ang yabang mo rin,” “Hindi naman, sadyang nagsasabi

