“AHhH!” reklamo ni Adeline pagtapos na piliting matulog ang sarili ng mahigit dalawang oras na rin pagkaalis nina Alice. Bukod sa okupado ang isip ng sinabi ni Paul tungkol sa pagpapakasal ni Henry ay kumakalam na talaga ang kaniyang sikmura. Wala siyang ganang kumain ng mga pagkaing dala ni Paul, gusto niya yong sa harap niya niluluto at mainit pa. “AHH! Wala kang lunas, Adeline!” inis niyang sabi saka pilit na pilit na bumangon. Naglakad-lakad siya at nagbakasakaling may pagkain ulit doon sa mga matatatanda. Kaso, malayo pa lamang siya ay agad siyang natigilan nang maulinigan ang pamilyar na boses na nagpabilis sa agad t***k ng kaniyang puso. Dali-dali siyang humakbang at agad na sumilay sa gitna ng stage si Henry na kumakanta. Napatulala siya habang nakatitig rito sa sobrang saya

