Chapter 1: MALLING
SANDY’S POV
“Sandy, hindi pa ba tayo kakain?” Tumabi si Lovely sa akin sa papag. Nasa harapan kami ngayon ng bahay namin. Nag-hihintay ng grasya mula sa langit. “Lafang na lafang na ako eh!”
Inungusan ko ang aking coushin. “Eh sa wala pa tayong lulutuin, e!”
“Eh! Mag-aalas dose na pero hindi pa tayo nag-aalmusal at nanananghalian! Tomguts na ako, e.”
“Osya! Mag-adobo nalang tayo," sabi ko nalang.
“Wow! Adobong porchap!”
Hinampas ko siya sa braso. “Shunga! Wala nga tayong ipang-puklong, pang-porchap pa kaya?” Humawak ako sa tiyan kong nag-aalburoto na. “Madaming kangkong sa likod-bahay. Sa poso! Yun ang i-adobo natin!”
“Ay? Oh sige.” Tumayo siya sa harap ko. “Sandy, paano ang bigas? Wala tayong isasaing?”
Napakamot na ako sa ulo ko. Bukod kasi sa makati dahil kinapos ako kanina sa shampoo e, namomroblema pa ako.
“Huwag na tayong magkanin, Lovely. Sa mga mayayaman nga, hindi na sila nagkakanin. Lagi silang diet!”
“Okie!” Sabi niya sabay takbo papuntang likod-bahay.
Sandy Macapuno ang pangalan ko. Okay, uunahan ko na kayo sa pagtawa sa apelyido ko. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Okay, tapos na. Happy? Sanay na kasi akong pinagtatawanan ang apelyido namin. You know, our apelyido is so very weirdo. I can’t do this bully no more. But, lucky me mami, we’re living alive in our house with my coushin— Lovely Macapuno.
Magtatagalog na nga ako. Baka manosebleeding kayo sa akin! You know and I know, we all know that I am very better luck speaking English everytime and anywhere I talk. OMG! I’m so believing myself. I love myself so very much.
17 years old na kami ni Lovely and we’re coushins.
Obyus naman na nakatira kami sa iisang bahay. Kaming dalawa lang ang magkasama. Wala na kaming pamilya. Lumayas kasi kami eh! Paano kasi wala na akong magulang kaya naman kinupkop ako ng madrasta ni Lovely. Mangyari naman na minamaltrato kami ng madrasta ni Lovely kaya ayun naglayas kami at napunta kami dito sa Sitio Maligaya.
Mahirap ang buhay pero kinakaya namin. Masaya naman kami palagi ni Lovely. Basta, magkasama kami, ayos na ayos na sa akin. Pero mas sumaya nang biglang may anim na lalaki ang dumating sa bahay namin. Uwaaaaaah~ Talagaaaaaa~ Lagi kaming naka-karne ang ulam. At eto pa ah! Naka-debote kami! Softdrinks! Minsan pa nga, nagjo-Jollibee kami eh! Hindi namin alam kung bakit nalang sila biglang tumulong sa amin. Hanggang isang araw, nalaman namin na may binabantayan pala silang dalawang babae. Napagkamalan kaming dalawa ni Lovely na kami yung binabantayan nila! Sa kadahilanang ayaw namin silang umalis at iwan kami eh nagpanggap kami na kami talaga ang binabantayan nila. Ang kaso hindi nagtagal, nalaman din nila na hindi kami ang tunay nilang binabantayan. Ang masaklap pa eh yung kapit-bahay pala namin! Waaaah! Nagalit sa amin si Kurt my loves… Oo, naging kami ni Kurt! Kapoging nilalang! Wala na! Ex ko na yun!
Kaya eto kami ngayon, nagugutom na naman. Nagtatrabaho naman kami ni Lovely eh. Nangangahoy kami sa bundok saka namin ginagawang uling. Yun nga lang eh, dalawang araw nang umuulan kaya hindi kami makapagpatuyo ng kahoy. GUTOM NA AKO!
Nagtaka ako nang may pumarada na magarang itim na kotse sa harapan ng bakuran namin. Ang ganda ng kotse! Pang-mayaman!
May lumabas na lalaki mula doon tapos kumaway sa akin. Kumaway rin ako syempre. Hohoho! Sino kaya siya? Mukha siyang artista! O pwede ring pulitikong nangangampanya? Kumakaway e.
“Sandy!”
Uwaah! Kilala niya ako? Tinawag niya ako sa pangalan ko eh!
Tumayo na ako at nilapitan siya sa bakuran. Mukhang pamilyar itong lalaking ito. Baka nga artista siya! Shemay naman kasi eh! Bat pa nasira ang TV namin? Hindi ko tuloy kilala mga artista ngayon.
“Hello, sino pong hanap niyo?” tanong ko.
Ngumiti siya habang tinatanggal ang shades niya.
“OH MY GULAY! ALEX, ISDA YOU!?” Si Alex! Siya ang kaibigan ng sinasabi ko sa inyong ex ko! Isa siya sa anim na lalaking tumulong sa amin.
“Yeah, where’s Lovely?”
Tumuro ako sa bahay naming munti. “D-Dun sa loob! Bakit mo kami hinahanap? Ipapakulong mo na ba kami?”
“Hindi ah!" Tumawa siya nang bahagya at medyo kinilig ako kasi mas lalo siyang gumawapo! "Bakit ko naman kayo ipapakulong?”
Anak ng kambing naman! Bakit ngiti siya nang ngiti! I’m think I’m crushing him na! He’s so pogi!
“Eh bakit mo kami pinuntahan pa dito?” Siguro dahil sa akin noh?
Tumawa ulit siya tapos natunaw naman ako sa kilig. “Dinadalaw ko lang kayo. Anyway, kumain na ba kayo ng tanghalian?” Umiling ako nang sunod-sunod. “Good, tara? Sama kayo sa akin. I’ll treat you girls for lunch?”
“Lunch?” Ano daw? Ano yun?
“Tanghalian ang ibig kong sabihin. Tawagin mo na si Lovely para hindi tayo ma-traffic.”
Tinaas ko ang kamay ko sa harap niya sabay sabing, “Wait lang ha?” Tumalikod ako sa kanya at humakbang ng dalawang hakbang pasulong sa bahay naming munti.
“LOVEEEEEEEEEEEEELYYYYYYY!!! CHICHIBOG NA TAYOOOOOOOOOO!!!”
***
“Kain lang kayo nang kain. Ano pang gusto niyong pagkain? Oorderin ko.”
Hindi na namin pinansin si Alex. Basta kami, lafang kung lafang. Dito nga pala kami dinala ni Alex sa... Wait. Hindi ko alam! Basta, hindi ito Jollibee. Imbes na si Jollibee ang makita ko eh isang payaso na malaki ang sapatos ang nakita ko. Ay, MCDO pala ito!
“Halatang nagutom kayo, girls ah.”
“Naman, Alex! Hindi kaya kami nag-almusal! Hindi rin kami naghapunan kagabi. Buti nga buhay pa kami eh!” sagot ni Lovely habang may frenchfries sa bibig. “Ang sarap ng ketchup nila dito. Mas masarap pa sa ketchup sa putlungan nina Aling Bekbek.”
Kinurot ko naman siya sa braso. “Wag kang igno. Malamang imported ang ketchup nila dito.”
Pinagmasdan lang kami ni Alex habang kumakain. Hindi kaya he’s crushing me na rin?
“Kamusta na kayo nang iniwan namin kayo?”
Tumigil ako sa paglafang ng chickenjoy sa MCDO. “Mahirap… Balik-hirap na naman kami. Isang kahig, isang tuka.”
Tumango siya. Tinignan ko naman si Lovely sa tabi ko. Sarap na sarap siya sa hamburger niya.
“Naalala ko kayo bigla kaya naman naisipan kong dalawin kayo sa Sitio Maligaya. Pagkatapos niyo dyan, iluluwas ko kayo ng Maynila.”
Parehas naming nabuga ang kinakain namin ni Lovely. Buti nalang hindi sa mukha ni Alex!
“WHAAAAAAAT? BAKIT?”
“WHY? WHY? WHY?”
Tumawa ng mahina si Alex. “Ipag-gogrocery ko kayo para may stocks kayo ng pagkain. Tsaka, ibibili ko na rin kayo ng mga bagong damit.” Pinagdikit niya ang dalawa niyang palad. “Ayos ba? Payag ba kayo?”
Nagkatinginan kami ni Lovely sabay balik ng mga mata namin kay Alex.
“Pag-iisipan muna namin," sabay na sagot namin.
Mukha namang nawirduhan siya sa amin kaya tumawa na kami ng mahina ni Lovely. “Joke! Gora kami dyan."
Hindi ko alam kung saan kami sunod na dinala ni Alex. Basta, sabi niya mall daw ito. Isa siyang malaking gusali na sobrang lamig. Mahigit isang oras din ang tinakbo ng byahe namin. Pakiramdam ko tuloy na sa ibang bansa kami.
Yumakap sa braso ko si Lovely. “Coushin, nakakahiya yung hmmm!” sabay turo niya sa baba.
“Anong hmm?”
Ngumuso ulit siya kaya napatingin na ako sa paanan namin.
Eeeeeew! Nakarating kami sa mall na putik-putik ang paa namin.
Hinila ko ang laylayan ng shirt ni Alex kaya lumingon siya sa akin. Huminto kami sa paglalakad. “Bakit, Sandy?”
“Yung tsinelas namin, putik-putik. Pudpod pa. Nabutas na nga eh. Mukha kaming magsasaka," bulong ko.
Tumawa na naman siya. Hala, may sayad ata ito sa utak eh! Tawa nang tawa.
“Bili nalang tayo ng wet wipes tapos bibili na rin ako ng bago niyong sandals.”
“Talagaaaaa?”
“Yeah…"
“Yiiieeeeee!”
Teka anong yung wepwayps?
Ilang oras din kaming nagpaikot-ikot sa loob ng mall. Namili na rin ng grocery si Alex pati na rin ng mga damit namin at sandals. ITO NA TALAGA ANG PINAKAMASWERTENG ARAW NAMIN NI LOVELY! ANG SAYA-SAYA! ANG DAMI NAMING BAGONG GAMIT! MARAMI PANG PAGKAIN!
Grabe ngayon lang namin nalaman ni Lovely na may Bingo-han pala dito sa loob ng mall????!!! Unbelibebels! I really can’t bilibid. Kung sa Sitio Maligaya, mga maliliit na bato ang pananda sa mga numero, dito naman eh makukulay na pantatak.
Sumampa kami sa hagdan na umaandar. Pupunta kasi kami sa taas.
Kinalabit ko si Lovely kaya lumingon siya sa akin. “Ang galing nito noh? Napapanuod lang natin dati ito sa TV, tapos ngayon nakasakay na tayo dito sa hagdan na umaandar.”
“Oo nga! Ang saya-saya.”
Bigla nalang may pumagitna sa amin. Inakbayan pa kami ni Lovely. Si Alex pala yun. “Girls, escalator ang tawag dito.” Nakarating na kami sa taas kaya umalis na kami sa hagdan na umaandar. Sayang, ang sarap pa naman sumakay dun. Pwedeng isa pa?
“E-esca—- Pfft! Nakakabulol!” Baluktot talaga yang dila ni Lovely eh.
“Escarator!” Sabi ko naman.
“Escalator… Hindi escarator," pagtatama naman ni Alex.
“Acheche! Nakakabulol. Sa susunod, mag-hagdan nalang tayo.”
Nakakatuwa! Ang dami naming bitbit na peper bags. Mukha na kaming mayaman. Mukha kaming donya~ Nagpalit na rin kami ng damit ni Lovely.
Ilang oras na rin ang nakalipas pero walang sawa pa rin si Alex na iniisa-isa ang mga tindahan dito sa mall. Ang gara naman ng mga tiangge dito!
“Ito girls oh. Ang ganda ng mga damit dito. Pili kayo dito.”
Napanguso nalang ako. “Okay na ito, Alex. Masyado ng marami. Salamat!”
“Mas marami, mas mabuti.”
Nagkatinginan na naman kami ni Lovely tapos balik kay Alex na naman. Magsasalita pa sana ako nang biglang….
“ALEX???”
Lumingon kami sa babaeng tumawag sa kanya. Hula ko, nasa mahigit trenta anyos na ang edad niya. Maganda at mukhang mayaman… Kaso, malaki ang dyug-dyug!
“Tita, how are you?” Kumiss si Alex dun sa babae. Oh my gulaaaaay! GELPREN NIYA? AY hindi, Sandy. Tita nga eh.
“I’m fine… What are you doing here in a ladies boutique?”
“I’m with my friends…”
Napanganga lang kami ni Lovely sa usapan nila. Ang sarap pumalakpak! Galing mag-english!
“I’m with them…” Sabay turo sa amin ni Alex. Napasiksik tuloy kami sa isa’t-isa ni Lovely. Nakakatunaw kasi ang titig ng donyang ito.
“Pretty girls. I’m Vernia. Alex’s aunt… And you girls are?”
Hindi kami kumibo. Nawiwindang kami sa kagandahan niya.
“Hey, ayos lang kayo?”
Parang robot na tumango-tango kami. Ang ganda niya eh. Umiingles pa! Nakakatibo!
“Ay, Tita Vernia. Siya po si Sandy,” tumuro sa akin si Alex tapos kay Lovely naman. “And she’s Lovely. They’re cousins.”
Ngumiti siya sa amin. “Pretty. So, nagshoshopping kayo obviously. Want me to help you out? I’m good at fashion by the way.”
“Naku, Tita wag na po… Ang dami na nga po ng pinamili ko sa kanila eh.”
Nabigla kami ni Lovely nang hilain kami patayo ni Ma’am Vernia. “It’s okay. I’d love to go shopping with these two pretty girls.”
***
10PM na kami natapos na magshopping. Sinuyod namin talaga ang buong mall. It’s hurt my feet. Grabe si Tita Vernia, napakamaligalig! Pero masaya siyang kausap. Nakapalagayang loob namin siya kaagad. Naikwento tuloy namin sa kanya ang buhay namin. Tungkol sa paglalayas namin at pati sa lablayf namin. Ang bait niya! SOBRA! Sana, sa susunod na buhay namin, siya ang maging nanay namin. Napakaswerte namin siguro kung ganun! Wala raw kasi siyang anak at biyuda na rin. Katulad namin ay wala siyang sariling pamilya.
“Girls, I’ll miss you!” Sabay yakap niya sa aming dalawa ni Lovely. “Alex, ihatid mo sila nang maayos.”
“Opo, Tita.”
Nginitian ako ni Tita Vernia. “Sandy, yung payo ko sayo ha? Shampoo at conditioner para hindi maging dry ang buhok mo.” Humarap naman siya kay Lovely. “Lovely, magfacial wash ka para hindi ka tigyawatin.”
Sabay kaming sumagot ni Lovely, “Opo, Tita!”
“Awww! I’ll never forget you girls.” Niyakap niya ulit kami. “Mag-iingat kayo ha? Kayong dalawa lang pa naman sa bahay niyo. Kahit na wala pang isang araw ko kayong nakilala, magaan na ang loob ko sa inyo.”
“Opo, kayo rin po mag-iingat,” sabi ni Lovely sa kanya.
“Tita, aalis na po kami… Masyado nang gabi,” sabi naman ni Alex.
“Bye, Tita! Thank you po!”
Ngumiti siya ng malungkot. “Bye din…”
Kailan kaya namin makikita ulit si Tita Vernia? Mamimiss namin ang kabaitan niya.
***
Isang linggo na ang nakalipas nang dalawin kami ni Alex dito. Isang buong linggo na ring maulan. Pasalamat talaga kami kay Alex kasi dahil sa kanya marami kaming pagkain na nakaimbak dito sa bahay namin.
“Sandy, ayun pa oh! Sahuran mo dyan. May tulo rin dyan e!” sigaw ni Lovely sa akin habang winawalis niya ang pumasok na tubig sa bahay namin. May bagyo kasi ngayon at oo, maraming butas ang bubong namin.
“Sana tumigil na ang ulan!”
“Sana nga eh! Napapagod na akong magwalis.”
Napahinto kami sa ginagawa namin nang marinig namin ang sunod sunod na katok sa pintuan namin. Dahil alerto kaming dalawa, naghanda na kami ng pamalo ni Lovely. Walis ang kanya, akin naman ay sandok. Gabi na ah! Sino pa ang pupunta rito sa ganitong oras?
“Sandy, sino yan?”
Nagkibit-balikat ako. “Malay ko… Buksan mo na.”
Lumapit naman si Lovely sa pinto at dahan-dahan itong binuksan. Nanlaki ang mga mata namin sa pagkagulat nang makita namin kung sino ang tao sa labas.
“Pretty girls! Hindi ko kayo matiis. Namiss ko kayo!”
Opo, si Tita Vernia kasama ni Alex ang tao sa labas. ANONGGINAGAWANILADITO?
“Tita, ano pong—“
Nahinto si Lovely sa pagsasalita nang biglang pumasok si Tita Vernia sa loob. Parang nag-oobserba siya sa loob ng bahay naming munti. Kakahiya! Alam niyo yung binagyong bahay? Eto yun eh! Putik-putik.
“Oh my gosh! Is this your house? Buti hindi kayo nagkakasakit dito?” Lumapit siya sa amin at niyakap kami. “Tara sa bahay namin. Doon, walang butas ang bubong… Kesa dito, baka magka-dengue pa kayo.”
“Pero po—“
“Wala ng pero pero.” Lumapit siya kay Alex. “Alex, iuuwi ko sila sa bahay ko. Wag nang magtanong. Yun ang gusto ko!”
Uwaaaaaah! Anong nangyayari?