C25- WE

1310 Words

"Hindi, ah! Ang pangit kaya ng boses mo.." tugon niya at mabilis bumaling sa labas bago ngumiti ng matamis. Ayaw niyang aminin dito na kinilig siya sa ganda ng boses nito. Ang sarap pang pakinggan. Kung alam lang sana nito kung gaano kabilis ang t***k ng puso niya ng mga oras na iyon na kumanta ito na halos sasabog na ito kung hindi siya marunong magpakalma. Pakiramdam nga niya ay dalawang pamilya ng daga ang nakatira sa kanyang dibdib. "Hon..." Narinig niyang tinawag siya nito kaya muli siyang lumingon dito. "H-Ha?" tanging sambit niya at pigil ang sarili dahil lalong gumwapo ito sa paningin niya. 'Haynaku! Nakakagwapo talaga ang boses! Umayos ka, Mariel! Baka mamaya maisahan ka na naman.' kastigo niya sa sarili. Nakita niyang ngumuso ito sa kanya kaya kinuutan niya itong tiningnan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD