"Third…" Mahinang gising ni Mariel kay Third nang makitang alas sais na nang umaga. Halos manlaki ang kanyang mga mata nang maliwanag na rin sa labas. Kahit inaantok at pagod pa siya ay kailangan niyang pumasok sa trabaho dahil ayaw niyang um-absent. Tinapik niya ito nang mahina dahil halos nakadagan na kasi ito sa kanya na akala mo lalayasan na naman niya ito. Katulad nang kanyang pinangako dito, hindi siya umangal at buong puso siyang nagpa-angkin dito nang paulit-ulit hanggang sa mapagod na sila pareho. "Third…?" muling gising niya rito. "Hmmm.." "Gising ka muna at umalis ka na sa ibabaw ko. Dahil male-late na ako." aniya at hinaplos ang buhok nito. "Love you, gising na po.." malambing na wika naman nito at isang malalim na morning kiss ang binigay sa kanya. Ngunit tumagal ito

