"Third, kaya ko na. Sige na, kumuha ka na ng iyo at kumain ka na diyan," mahinahong sabi ni Mariel kay Third at ngumiti ng tipid dito. Ngunit imbes na sundin siya, nagpatuloy pa rin ito sa paglalagay ng pagkain sa pinggan niya. Napansin niya rin na wala itong kinuhang sariling pinggan. "Third?" Nagtatakang tawag niya dito. "'Yan, pwede na 'yan sa ating dalawa. Kasya na sa atin 'yan," biglang sabi nito na naging malinaw sa kanya kung bakit wala itong sariling pinggan. "Yes, hon. May sinabi ka?" baling nito sa kanya at ngumiti ng matamis. "H-Ha?" gulat niya pang bigkas. "May sinabi ka?" ulit pa nito. "Iisang pinggan lang ba tayo?" tanong niya. "Yes. Bakit? Ayaw mo ba?" Tumingin ito sa kanya at bahagyang kumunot ang noo. Tumingin siya kina Rachel at Irene. At napadilat siya dahil ma

