C22- WE Kalahating oras pa ang lumipas bago nakita ni Mariel na pumasok si Third sa kwarto kung saan sila naroon. Masayang mukha pa ang bumungad nito sa kanya. Kaya nakasimangot niya itong tiningnan. "Hon, kumusta na siya?" tanong nito at umupo sa kanyang tabi. "Bakit ang tagal mo? Saan ka pa ba pumunta?" nakasimangot niyang balik tanong dito. "H-Ha?" Kumamot ito ng ulo at naging mailap ang tingin sa kanya. 'Kapag ikaw nagsinungaling sa akin, dalawang buwan ka talagang walang scam,' aniya sa isip. "A-Ano.. ah, inayos ko 'yong motor. Oo, tama! Inayos ko ang gulong, may butas kasi. Kaya pumunta muna ako sa junk shop at ngayon lang ako nakabalik, " tugon nito na lihim siyang nasaktan. 'That's it! Nagsinungaling ka na sa akin' inis niyang sambit sa isip. Tinalikuran na lamang niya ito

