Wala na sanang balak pang buksan ni Mariel ang kanyang cellphone dahil alam niyang kukulitin lang siya ni Third. Pero kailangan niya itong buksan dahil baka may emergenct call ang pamilya niya at hindi niya ito masagot. Maya-maya nga ay nagsidatingan nga ang mga mensaheng dapat kagabi pa niya narecieve pero dahil sa asar niya kay Third ay pinatay niya ang phone niya at ngayon lang niya naisipan itong buksan. Agad niya itong binasa at mukhang maayos naman at walang problema. Napangiti siya nang kahit kailan ay araw siyang kinikumusta ng Mama niya at siyempre with sweet words pa. Kaya inspired siya araw-araw pumasok dahil at ayaw niyang umabsent dahil sa mahal niyang ina. Lagi siya nitong inaalala na akala mo ay bata pa rin. Araw-araw nagbibilin na mag-ingat siya at namimiss na daw siya. A

