( TWO WEEKS LATER ) "Anong meron?" naguguluhang tanong ni Mariel sa katabi niya. Kararating lang niya at medyo late siya dahil naipit sa trapik ang taxi'ng sinakyan niya nang may bungguan na naganap. "Pinapatawag ang lahat ng employee ng bagong Boss at CEO ng kompanyang ito, Mariel. Kaya bilisan mo dahil sobrang istrikto daw ang bagong CEO." tarantang tugon nito. "Talaga? Nandito na ang anak ng Boss natin na siyang papalit sa pagiging CEO niya?" tanong niya habang kasabay ito sa paglalakad. "Oo, Mariel. Kaya bilisan na natin at baka mapagalitan tayo dahil late na tayong pumasok.." "Sino? Nakilala mo ba?" tanong niya at kaagad silang pumasok sa conference room. Ngunit bago pa nito masagot ang tanong niya ay agad niyang nakita at nakilala ang bagong Boss at CEO ng Montreal Company

