Konti lang ang mga gamit ko kaya hindi ako nahirapan na buhatin ang mga ito. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa rami ng iniisip ko. Hindi ko maitatanggi na may konting tuwa sa puso ko dahil titira ako sa malaki niyang bahay. Pero natatakot din at baka tuluyan siyang magalit sa akin pag nalaman niya na nagsinungaling ako sa kanya. Nagsisisi tuloy ako na hindi ko kaagad nilinaw nang simula palang,. I want him to see me as me. Hindi ang tinatawag niyang Avan. I want to hear him call me by my name, Ava. I wonder how it feels like coming from his deep and cold voice. Niyakap ko sina auntie at ang kanyang anak, at nagpaalam na ako sa kanila. Hinatid nila ako sa paradahan ng jeep at muntik na naman akong maiyaka dahil napalapit talaga ako sa kanyang anak. Kailangan ko lang malayo sa kani

