Hindi ako mapakali habang nakaupo ako sa isang stool na kaharap ng counter dito sa kusina. Takot ko na lang pag bigla akong umalis at mawalan na talaga ako ng trabaho. Pero parang mali pa rin ito. Bakit niya ba ako niyaya na kumain. Reward? Eh, ganito rin naman ang ginagawa ni auntie Mabel. Hindi ko tuloy maiwasan na mag-alala. Paano pag kilala niya talaga kung sino ako at may gawin siya sa akin? Napayakap na ako sa aking sarili at bigla akong pinagpawisan kahit naka-aircon pa rito. Napaigtad ako nang marinig ko ang doorbell. Narinig ko rin ang pagbaba niya sa hagdan at tumungo siya sa pinto. May nagbigay sa kanya ng paper bag at lumakad na siya papunta rito. Yumuko ulit ako nang sumulpot siya at nilagay niya ang dalawang paper bag sa counter. Nilabas niya ang laman ng mga ito at nilagay

