Makalipas ang ilang araw, parang walang nangyari sa amin ni Sir Jeremy. Bumalik kami sa dati nang dumating ang weekdays. Nong gabing tumabi siya sa akin sa pagtulog, ang himbing ng tulog ko habang katabi ko siya. Ang malaki niyang katawan na nakadikit sa akin ay naghahatid ng comfort sa akin. Buhat na buhay din ang aking katawan na ilang araw pa ring nananakit. Mabuti ka at hindi napansin ni Klensy ang weird na paglalakad ko, kasi may makirot pa talaga ang gitna ko. Iyon na ang huli naming pagsasama together ng aking amo. Naging busy siya ulit sa kanyang trabaho at minsan nale-late siya sa pag-uwi. Nalulungkot ako sa tuwing tumatawag siya sa landline na hindi siya kakain dito ng dinner. Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Na baka may ka-date na siyang babae. Na ang nangyari tala

