Hinila ako ni Jeremy papunta sa isang parking lot. Tumigil kami sa kanyang sasakyan at binuksan niya ang isang pinto nito. Mabilis akong sumakay at baka may makakita pa sa amin. Sumakay na rin siya sa driver’s seat. Agad niyang pinaandar ang sasakyan at humarurot na ito palayo. Tahimik lang naman ako habang nasa daan na kami at kagat ko ang aking labi. May ginawa ba akong masama? Mali ba ang folder na nakuha ko? Tumingin ako sa kanya at mahigpit ang hawak niya sa manibela. “Sir? Mali ba ang nakuha kong folder?” kinakabahan kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot at patuloy lang siyang nag-drive hanggang sa makarating kami sa supermarket. Binaba niya ang kanyang sasakyan sa basement kung saan naroon ang parking at tinigil niya ang kanyang kotse sa bakanteng pwesto. Huminga siya ng ma

