Chapter 3

1228 Words
Bahagya akong nagulat nang bigla na lang sumulpot si Manang sa kusina habang gumagawa ako ng kape. Akala ko pagagalitan niya ako o pagsasabihan dahil sa nangyari kagabi. Kaya nga nag-aalala ako at hindi ako makatulog at baka sinabi na ng amo kong lalake na isa akong pakialamerang katulong na inistorbo ang ginagawa niya kasama ang isang babae kagabi. Isa pang dahilan ay hindi mawala sa isip ko ang itsura ng gwapo kong amo. My gosh! Umiinit ang mukha ko habang nagre-replay sa utak ko ang aking mga nakita. Ini-imagine ko tuloy na ako ang babae na ginagawa niyang putahe. “Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba nakatulog kagabi?” tanong niya sa akin at saglit akong natigilan. “Naninibago lang po ako. Bukod sa malambot ng kama, may aircon pa. Hinbdi naman kasi gano’n sa dati kong amo, Manang.” sagot ko sa kanya. “Parang ang swerte ko na nakapasok ako rito.” “Naku, kaya nga matagal na akong nagtatrabaho rito. Basta susundin mo lang ang mg autos nila at huwag kang gagawa ng ikagagalit nila. Magtatagal ka rin. Teka, wala ka bang nobyo?” mas lalong uminit ang aking mukha. “Wala po. Well, nagka-boyfriend ako pero naghiwalay na kami. Babaero kasi.” natatawa kong sabi. “Okay lang yan… Bata ka pa naman.” tumango ulit ako. “Turuan kita kung paano ang timpla ng kape ni Sir Jeremy.” tumabi siya sa akin at sinabi niya sa akin kung anong gagawin. “May girlfriend po ba si Sir?” tanong ko. “Hmm? Wala sa ngayon. Ito ang sasabihin ko sa’yo. Huwag kang masyadong maglalabas pag malalim na ang gabi lalo na kung hindi pa siya nakakauwi. May mga babae siyang dinadala rito, pero magpanggap ka na lang na walang nakita.” “O-Okay po.” mahina kong sagot. Tinuloy na namin ang aming ginagawa. Ako mismo ang pinagtimpla niya ng coffee at na-satisfy ko naman siya. Hindi ko nga lang gusto ang las dahil masyadong mapait. Pero ito daw ang gusto ng aming lalakeng amo. Nagluto na rin kami ng breakfast. Habang hinahain ko ito sa mesa, nagulat na lang ako nang makita ko si Sir Jeremy sa may pinto ng dining area. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang hawak ko. “G-Goodmorning, S-Sir…” nauutal kong sabi. Kasi naman pagkakita ko pa lang sa mukha niya, parang may kumikiliti sa loob ko. “Bakit parang nakakita ka ng multo?” tanong niya sa akin. Npaawang ang aking labi at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. “Is there something on my face?” “Wala, wala po! Ang gwapo niyo lang kase!” kinakabahan kong sabi. Natutop ko ang aking bibig nang ma-realize ko ang mga salita ko. Mabilis akong humingi ng tawad sa kanya at patakbo na pumasok sa kusina. Hala! Diyos ko po! Baka matanggal na talaga ako sa trabaho! Baka kailangan ko ng magpaalam kay Manang. Bakit naman kasi ako kinikilig ng ganito?! Huminga ako ng malalim ng ilang beses para lang kumalma ang aking sarili. Inuuna ko pa kasi ang kalandian ko. Ceci, mag-focus ka sa trabaho mo! Amo mo siya! “Cacily, ibigay mo ang kape ni Sir.” utos sa akin ni manang at namilog ang aking mga mata. “Ho?” inabot niya sa akin ang kape na aking tinanggap. “Ibigay mo kay Sir. Tingnan mo kung magugustuhan niya.” tumango lang ako at bumalik sa dining room. Nadatnan ko na nakatingin siya sa kanyang phone. Huminga ako ng malalim at binigay ko sa kanya ang kanyang kape. Tumigil siya sa pagpindot sa kanyang phone tapos ay binalingan niya ako. Gaya kagabi, naglakbay ang kanyang tingin sa akin. Na-concious ako bigla kahit nakasuot pa ako ng aking uniform. Kinuha niya ang kape at ininom ito. Napataas ang isa niyang kilay at hinintay ko kung bubuhusan niya ba ako. Tumango-tango siya at tumikhim. “About last night…” simula niya. “Wala po akong nakita, Sir!” agad kong sabi. Tumango ulit siya tapos ay tumingin ulit sa akin. “Good… Next time, huwag kang pakalat-kalat sa gabi. By the way, sinabi na ba ni Manang ang magiging trabaho mo rito?” “Yes, Sir… Nagbilin na po siya sa akin kahapon. Are you sure you are going to handle the work here?” “Opo, Sir! Maaasahan niyo po ako. Kahit anong iutos niyo po, gagawin ko. Sabihin niyo lang po sa akin kung anong hindi ko dapat galawin sa gamit niyo o sa iba pang bagay.” “Hmmm… You are too young to be working. Pero may tiwala ako kay Manang. Marami ng nag-apply at ikaw ang pinili niya. I know I should be the one to choose, but I trust her judgment. Sorry, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?” “Sir? Oo naman! Naka-graduate po ako ng high school at nakakaintindi po ako ng english. Hindi lang po ako pumasok ng college dahil wala pong pang-aral.” “Okay, basta gawin mo lang ang trabaho mo. Huwag kang makialam sa kahit anong bagay. Kung may iutos man sayo ang anak ko, sundin mo. But, kung alam mong mali, sabihin mo sa akin, am I understood?” “Yes, sir!” malakas kong sabi at tinaasan niya ulit ako ng kilay. “Good, you can go.” tumango lang ako at mabilis na bumalik sa kusina. Nadatnan ko roon si Manang at niyaya na niya akong kumain ng breakfast. Maya-maya ay bumaba na rin ang dalagang anak nito. Ginawan ko siya ng diet shake gaya ng instructions ni Manang at binigay ko ito sa dalaga. Matapos silang kumain, sabay silang lumabas at umalis na papunta sa university. Namangha ulit ako dahil tig-isa sila ng sasakyan. Tapos yong kotse pa ng anak niya, mamahalin talaga at kulay pink. Ang cute at mukhang spoiled ito sa kanyang ama. Hindi nga ako nagkamali dahil ito ang sinabi ni Manang. “Tutulungan kitang maglinis at sasabihin ko kung paano gamitin ang mga gamit rito. Aalis na rin kasi ako ngayong araw.” “Luh! Manang! Ngayon na talaga?” bahagya siyang ngumiti at tumango. “Susunduin na ako ng anak ko mamaya. Maswerte ako at nagkaroon ako ng mga mababait na anak. Ayoko talaga na tumigil pa pero ayuin nga, matanda na raw ako at kailangan ko daw mag-relax.” napangiti rin ako. “Deserve niyo naman ang mag-relax, Manang. Hayaan niyo, ako na ang bahala kila Sir Jeremy at Ma’am Klensy. Pagbubutihan ko talaga ang aking trabaho. Kayo ang dahilan kung bakit ako nandito, eh. Salamat po sa pagpili sa akin.” “Isa lang ang huwag mong dapat gawin, huwag na huwag kang magkakagusto kay Sir Jeremy at gumawa ng kalokohan. Tandaan mo, kasambahay ka rito.” “Opo, Manang, hindi ko kayo bibiguin.” tinapik niya ako sa aking balikat at sinabihan na bilisan na namin ang aming kilos. Nang makapagluto na kami ng lunch, sabay kaming kumain. Tapos ay tinulungna ko siya sa ilabas ang kanyang mga gamit. Nagbilin pa siya ng ibang mga bagay at sinabihan niya ulit ako tungkol sa huwag kong pagkakagusto sa aming amo. Napatawa lang naman ako at nangako na sa trabaho lang ako magfo-focus. Kahit alam ko sa sarili ko na nagsisinungaling lang ako. Dahil pagkakita ko pa lang kay Sir Jeremy, nagkagusto na ako sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD