“Ava… Babe… I need you to wake up…” Naalimpungatan ako sa pagtawag na ‘yon sa akin. Ang init at ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may nakadagan sa akin na malaking bato na pag gumagalaw ako, nananakit ang buo kong katawan. Napaungol ako sa sakit at unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng haplos sa aking noo at nakita ko ang gwapong mukha ni Eli na puno ng pag-aalala. “There you are…” ngumiti siya ng konti. “Eli…” tawag ko pero walang lumabas na boses ko. Hinawakan niya ang aking kamay. I sigh nang may malamig siyang bagay na dinampi sa aking noo. “I’m so hot…” sambit ko. “Wa-water…” may kinuha siya at nilagay niya ito sa aking dry lips. I was relieved when the ice hit my dry lips at sinipsip ko ito. “It’s going to be okay. Tinawag ko ang aking kaibigan para tingna

