Akala ko uuwi na kami after my checkup, pero tumigil ang sasakyan sa harapan ng isang clothing store boutique. Unang bumaba si Killian na kanina pa tahimik. He’s been bickering with his friend at hindi ko alam kung anong dahilan. It’s obvious that the doctor has been flirting with me, and he was so cute, hindi ko mapigilan na matuwa sa ginagawa nito. Kung hindi ko lang inawat si Killian, baka tuluyan na talaga silang nag-away. “What are we doing here?” tanong ko sa kanya nang pumasok na kami sa boutique. Hindi bago sa akin ang mga ganitong lugar dahil pag nagsha-shopping kami ng mga kaibigan ko, madalas na isang clothing boutique kami nagpupunta. But, this place is more fancy at nang may lumapit na magandang babae, I hate her already dahil sa kakaibang tingin nito kay Killian. “You n

