Chapter 13

1361 Words
( ENZO MULTI FALCO ) Habang masaya ang lahat ng mga bata na nasa carousel sa Fantasyland ay hindi naman maiwasan ni Enzo na pakatitigan ang dalaga na si Celine. Sa tuwing palihim niya pinang mamasdan ito ay isang kakaibang kaba ang kanyang nararamdaman mula sa kanyang dibdib. "Ano bang meron sayo." Tanong ni Enzo sa kanyang sarili ng makita nito ang dalaga na nakangiti at penang mamasdan ang mga bata na nakasakay sa Carousel. "Ate Celine..!" Tawag ng mga batang babae sa dalaga, habang papalapit ang mga ito kay Celine. Nang makalapit ang tatlong batang babae sa harapan ng dalaga ay agad na inaya ng mga ito si Celine sa kung saan. "Ate pwede mo po ba kami samahan sa Cr." Tanong ni Cha-cha sa dalaga. "Oo Naman, hali kayo at sasamahan ko na kayo." Agad na hinila ng mga bata si Celine, upang magtungo ang mga ito sa Cr. Habang pinang mamasdan ni Enzo na papalayo ang dalaga ay hindi niya namalayan na may mga batang lalaki na rin sa kanyang tabi na nakatingin sa kanya. "Kuya Enzo. Bakit mo tinitignan sila ate Celine?" Tanong ni Chino sa kanya. "Wala naman, hindi ba pwede na pagmasdan sila." Tanong rin ng binata sa batang nasa kanyang harapan. "Pwede naman po. Pero masyado na pong matagal ang pagtitig niyo kila ate Celine. Diba po ang sabi ng iba, pag matagal niyo tinititigan ang isang tao. Ang ibig lang po sabihin noon ay naiin love po ang taong yun." Wika ni Chino sa binata. Agad na lumuhod ang binata sa harapan ng bata at pinaka titigan niya ang mga ito. "Ang alam ko lang ay hindi pa dapat niyo alam ang mga ganyang mga bagay.” Tanong ni Enzo sa bata na nasa kanyang harapan. “Wait mga bata nga ba kayo.” Tanong ng binata sa sa mga ito. “Daba po mas kailangan po namin na maging matanda na para po makatulong kami sa mga nanay at tatay namin." Wika ng isang batang lalaki. "Saan niyo naman nalaman yan? Alam niyo mas okay, kung i-enjoy muna niyo ang pagkabata niyo. Ang kagustuhan niyo na maging isang adult ay isang malaking responsibility na hindi na niyo pwede talikuran, pagdating ng panahon. Kaya habang bata pa kayo i-enjoy niyo lang Muna ang pagkabata nyo. Darating din ang time na tatanda kayo, pag dumating ang araw na iyon ay doon niyo lang malalaman ang lahat ng responsibilidad ng isang pagiging matanda." Isang mahabang pagpapaliwanag ni Enzo sa mga bata na nasa kanyang harapan. “Ganun po ba yun kuya Enzo?” Tanong ni Chino sa binata. “Oo. Alam mo ba. Hindi lahat ng mga may edad ng mga matatanda ngayon ay naging masaya noong mga panahon na bata pa sila.” Wika ng binata. “Anong ibig niyo pong sabihin kuya?” Tanong ni Chino. Habang nakamasid ang mga ito sa binata. “Ang ibig kong sabihin ay hindi lahat ng tao ay naging masaya noong mga bata pa sila. Hay nako. Tama nga ang mga tanong na yan, hali na kayo sundan na lang natin sila Celine.” Agad na tumayo ang binata sa kanyang magkakaluhod at agad na sinundan ang mga bata na nasa kanyang harapan lang kanina na ngayon ay tumatakbo patungo sa kung saan nagpunta ang dalaga na si Celine. Habang naglalakad ay isang kakaibang pakiramdam ang bigla na lang dumapo sa kanyang katawan na para bang may mga mata na nakatingin sa kanya. Agad na tumingin tingin si Enzo sa kanyang paligid, ngunit wala siyang makitang pamilyar na mukha sa kanyang paligid. Habang tahimik na nagmamasid ang binata sa kanyang paligid ay agad na may napansin ito sa hindi kalayuan, kung nasaan ang kanyang mga kasama. Unti-unting lumapit si Enzo sa mga bata at kay Celine ng makilala nito. Kung sino ang lalaki na papalapit kila Celine. Habang papalapit ang binata ay kapansin pansin ang bigla na lang pagka usap ng lalaki sa dalaga, ngunit ng malapit na si Enzo sa mga ito ay agad naman napatingin ang dalawa kay Enzo na para bang may sinabi ang lalaki sa dalaga. "Anong kailangan mo Mister Matthew Velasco?" Agad na tanong ng binata sa lalaki na kausap ni Celine. "Nice to meet you, Mister Enzo Multi Falco." Wika ni Matthew sa binata na nasa kanyang harapan. Habang titig na titig ang dalawa ay hindi na nagulat si Enzo sa pagtawag ni Matthew sa kanyang pangalan. Alam ng binata na kilala na siya ng lalaki na nasa kanyang harapan bago pa man siya lumapit sa dalawa. "Celine. Tayo na tawagin mo na ang mga bata." Wika ng binata, habang ang paningin nito ay nasa dalaga. "A-ah…Okay Sir. Maiwan ko Muna kayong dalawa." Agad na umalis ang dalaga sa harapan ng dalawang lalaki. Nang makaalis na si Celine ay muling ibinalik ni Enzo ang kanyang pangin kay Matthew at pinakatitigan ito. "Sawakas nagka usap rin tayong dalaga." Wika ni Matthew kay Enzo. "Hindi ko alam, kung bakit gusto mo na makausap ako. Pero magaling ka rin gumawa ng paraan upang makausap mo ako." "Oo naman kayang kaya ko gumawa ng paraan upang makausap kita. Pero mas okay sana kung mag uusap tayo, kung saan ako nagtatrabaho." "Maganda naman ang naisip mo. Mister Velasco, kaso mas mukhang mas maganda kung magbibigay ka sa akin ng imbitasyon para willing ako magkaroon ng time para sayo." Wika ni Enzo sa lalaki na nasa kanyang harapan. Titig na titig si Matthew kay Enzo ng sabihin nito ang mga yun sa kanya na parabang wala man lang dito na makita siya ng binata sa kanyang harapan. Agad na tumalikod si Enzo kay Matthew upang sundan nito. Ang dalaga na si Celine. Ngunit bago pa man siya makalayo kay Matthew ay muling nagsalita ang binata. "Sa muli nating pagkikita, Mister Multi Falco." Wika ni Matthew sa binata na si Enzo. Agad na binaliwa ni Enzo ang kanyang narinig mula kay Matthew. Habang naglalakad ay Hindi maiwasan ng binata na wag alalahanin ang mga nangyari kanina lalo na nong oras na kinakausap ni Matthew si Celine. Hindi malaman ng binata na si Enzo, kung bakit ganun na lang kung mainis siya sa kanyang mga Nakita. ( CELINE FRANCISCO ) Hindi maiwasan ni Celine na hindi mapaisip sa mga nangyari kanina, habang nag uusap ang dalawang binata sa kanyang harapan. Ang akala ni Celine na pagtatanong lang ng binata na si Matthew sa kanyang harapan ay bigla na lang nauwi sa isang pag uusap ng dalawang lalaki. "Ate Celine..!" Isang malakas na tawang sa kanyang pangalan ang narinig ng dalaga kung kaya ay agad naman siyang lumingon sa kanyang likuran. Pagharap pa lang ng dalaga ay agad na sumalubong sa kanyang harapan ang mga bata. "Ate Celine nagugutom na po kami." Wika ni Cha-cha sa kanyang harapan. "Oo nga po, ate nagutom po kami sa paglalaro." At pagsang ayon naman ni Chino sa sinabi ni Cha-cha sa kanya. "Sige. Kakain na tayo, pagdating ni Sir. Enzo." Habang hinihintay ng mga ito ang binata ay bigla na lang sumulpot sa kanilang harapan si Enzo. "Kuya Enzo..!" Tawag ng mga bata dito. "Kuya. Kanina ka pa namin hinihintay dito. Saan ka po ba nagpunta?" Tanong ni Cha-cha sa binata ng makita nito si Enzo. Seryosong tumingin ang binata sa mga bata na nasa kanyang harapan na at isa-isa pinang masdan nito ang mga bata. "Sorry. I just talked to someone." Sagot ng binata sa mga bata. Nang dahil sa sinabi ng binata ay bigla na lang nagkatinginan ang mga bata na naguguluhan sa sinagot ni Enzo sa kanila. "Ate Celine. Ano po yung sinabi ni Kuya Enzo samin?" Pagtatanong ng mga bata kay Celine. "May kausap lang ang kuya Enzo niyo, kaya natagalan siya." Wika ni Celine sa mga bata. Nang ipaliwanag ni Celine, kung bakit natagalan ang binata ay agad naman naintindihan ng mga bata ang kanyang mga sinabi. "Kuya Enzo. Nagugutom na po kami, pwede na po ba tayo kumain?” Tanong ni Cha-cha sa binata na nasa kanilang harapan. “Oo naman, halina kayo at tayo na kumain.” Agad na sumunod ang mga bata kay Enzo, habang si Celine naman ay napailing na lang sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD