CELINE FRANCISCO )
Hindi maiwasan mapamuntong hininga ni Celine sa tuwing maalala niya ang mga nangyari noong nagdaang gabi. Pilit inaalis ng dalaga ang isang bagay na nangyari ng ihatid siya ni Enzo sa kanilang tinutuluyan. Bago pa man nagpaalam umalis ang binata ay isang hindi inaasahan ang bigla na lang ginawa nito sa kanya, at ng dahil doon ay mabilis na itulak ni Celine ang binata papalayo sa kanya.
"Sir. A-anong ginawa mo?" Tanong ng dalaga sa lalaki na ngayon ay nakatingin sa kanya. Habang pinang mamasdan pa rin ni Celine si Enzo ay muling lumapit ang binata sa kanya at maingat na hinawakan ang kanyang mga kamay, upang hilahin siya patungo sa pinto ng kanilang tinitirahan. "Sige na pumasok ka na sa loob, para makapag pahinga kanarin" Wika ng binata sa kanya. Nagtataka man ay agad na sinunod nito ang utos sa kanya ng binata.
Pabaling baling si Celine sa kanyang kama ng maisip nito ang halik na nangyari sa kanila ni Enzo, ayaw man ng dalaga na isipin ang mga naganap sa kanila ng binata ay mismong ang kanyang isip ang kusang nagpapaalala sa mga nangyari sa kanila ng binata.
"Hija." Tawag ni Manang Lupe kay Celine. Ngunit agad napansin ng matanda ang hindi paglingon nito sa kanya, kung kaya ay mahinang tinapik nito ang balikat ng dalaga. Ganun na lang ang pagka gulat ni Celine ng pagtingin nito sa kanyang tabi ay agad nasilayan nito si Manang Lupe.
"Jusko. Kang bata ka, kanina pa kita tinatawag ni hindi mo man lang ako sinulyapan ng tingin." Wika nito sa kanya. Isang buntong hininga na lang ang nagawa ni Celine ng sunod sunod ang pag uusisa sa kanya ni Manang Lupe at kung bakit wala siya sa wisyo sa oras ng trabaho.
Habang nagwawalis ng bakuran ang dalaga ay isang boong boses ang bigla na lang nito narining sa kanyang likuran at ng dahil doon ay agad lumingon si Celine, pagtingin nito ay ganun na lang kabilis kung tumibok ang kanyang dibdib ng makita ng kanyang mga mata si Enzo. Hindi malaman ng dalaga ang kanyang gagawin ng magtagpo ang kanilang mga mata ng binata. Nang dahil sa kabang kanyang nararamdaman ay mabilis na tumalikod ang dalaga, upang lumayo sa binata. Ngunit ihahakbang na sana nito ang kanyang mga paa ng mabilis na hinawakan ni Enzo ang kanyang kamay.
“A-ah…Sir. May kailangan po ba kayo?” Tanong nito sa binata na nasa kanyang harapan. Isang seryoso na tingin lang ang kanyang nakita sa binata at wala man lang kahit isang salita na lumabas sa labi nito.
"Sir. Kung wala naman kayo sasabihin kailangan ko pa kasi mag trabaho, maiwan ko muna kayo." Pag galang ni Celine sa binata at dahan-dahan nito hinila ang kanyang kamay mula dito.
Nang ipilit hilahin ni Celine ang kanyang kamay mula dito ay pilit rin naman siyang pinipigilan ng binata na makaalis sa harapan nito. "Samahan mo ako." Wika ni Enzo sa kanya.
Agad naman napatayo ng tuwid si Celine ng dahil sa sinabi ng binata sa kanya. “ Pero kasi Sir. May trabaho pa ako na dapat gawin. Hindi naman pwede na araw araw na lang ako umalis lalo na at sinasahuran ako ng mga magulang mo at isa pa baka, kung anong sabihin ng ibang mga kasama ko sa trabaho.” Mahabang pagpapaliwanag ng dalaga sa lalaki na nasa kanyang harapan. “Hindi mo kailangan isipin ang mga sasabihin ng iba. Una ako ang amo mo. Siguro naman ay pwede ako mag utos sa mga tao ng aking mga magulang. Oo tama ka. Ang mga magulang ko ang nagpapasahod sayo at siguro naman alam mo na isa rin ako sa mga amo na dapat mo rin sundin. Tama ba. “ Napa buntong hininga na lang ang dalaga ng wala itong nagawa sa mga gustong mangyari ng binata.
Nang dahil doon ay agad na sumang ayon na lang si Celine at tumango sa binata, mabilis naman hinila ng binata ang kanyang mga kamay upang mapasunod siya at ng makalapit sila sa tapat ng sasakyan, kung saan ipinarada ng binata ang pag aari nitong isang Bugatti na kulay itim ay agad rin ito napahinto sa balak na pagbuksan ng sasakyan ng isang boses ang kanyang narinig mula sa kanilang likuran. Pagharap ng dalawa sa taong tumawag ay bigla hinila ni Celine ang kanyang kamay mula sa lalaki.
Ganun na lang ang pagkakayuko ng ulo ng dalaga ng makita nito si Manang lupe na ngayon ay papalapit na sa kanilang harapan. "Hijo. Saan naman kayo pupunta nitong si Celine." Tanong ng matanda Kay Enzo.
"Magpapasama lang ako sa kanya aling lupe, okay lang ho ba?" Seryoso na tanong ng binata. Agad naman napatingin si Manang lupe kay Celine at mula sa dalaga ay muling ibinalik ang tingin sa binata na nasa kanyang tabi.
"Okay lang naman yun. Hijo ngunit Hindi pa tapos ang kanyang mga gawain dito. Maaari lang siyang sumama sayo kung matatapos niya agad ang kanyang mga gawain." Wika ng matanda kay Enzo.
Matapos kausapin ng matanda si Enzo ay agad itong tumingin kay Celine at agad sinabi sa dalaga na bilisan tapusin ang kanyang trabaho, upang maaga silang makaalis ng binata.
Nang makalayo na ang matanda sa dalawa ay agad na rin sinunod ng dalaga ang inuutos sa kanya ni manang Lupe, alam ni Celine na hindi papayag ang matanda na umalis siya lalo na at hindi pa niya natatapos ang mga gawain na inutus sa kanya.
Isang buntong hininga ang ginawa ng dalaga, habang matuloy na ginagawa nito ang naiwan trabaho. Ganun na lang ang gulat ni Celine ng isang kamay ang mabilis na humila sa walis na kanyang hawak. Pagtingin ng dalaga sa taong may hawak ng walis tingting ay bigla siyang napakunot ng kanyang noo.
Dali-dali na lumapit ang dalaga kay Enzo na siyang nagwawalis na ngayon sa mga tuyong halaman na nakakalat sa bakuran. "Sir. Ako na dyan, trabaho ko yan." Wika ni Celine sa binata. Agad inilayo ni Enzo ang tingting na balak kunin ng dalaga.
"Tulungan na kita para mabilis kang matapos sa trabaho mo." Sagot ni Enzo kay Celine. Wala naman nagawa ang dalaga ng ipagpilitan ni Enzo ang kagustuhan nito na tulungan siya sa kanyang trabaho. Matapos ang ilang minuto ay natapos rin ng dalaga ang lahat ng kanyang mga gawain.
Habang ng aayos si Celine ng kanyang sarili ay bigla na lang lumitaw si Enzo sa kanyang harapan at walang sabi sabi na hinila muli nito ang kanyang kamay at sa pagkakataon na iyon ay mabilis naipasok siya ng binata sa loob ng sasakyan nito. Dahil doon ay tuluyan ng nakaalis ang dalawa.
Hindi maiwasan ni Celine na mapailing na lang sa kanyang kinauupuan sa loob ng sasakyan ng binata, habang tahimik siyang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan ay hindi maiwasan ng dalaga na paminsan minsan ay mapasulyap sa gawi ni Enzo na seryoso na nagmamaneho.
Isang pag yugyug sa balikat ni Celine ang bigla na lang nakapag pa gising sa kanya, agad napakislot ito sa kanyang kinauupuan, pagtingin niya sa kanyang tabi ay mukha ni Enzo ang kanyang nakita. Mula sa binata ay agad napabaling sa labas ang kanyang paningin at ng mapansin ng dalaga kung saan siya dinala nito ay mabilis siya napatingin sa binata. “ Nasaan tayo?” Tanong nito kay Enzo. Kahit alam na nag dalaga, kung nasaan sila ay gustong makumpirma ni Celine mula sa lalaki. Kung tama nga ba ang kanyang pagkakaalam sa lugar na kanilang pinuntahan.
“Tagaytay.” Walang pagdadalawang salita na wika ng binata kay Celine.