Prologue

129 Words
"You may now kiss the bride." Kasabay ng pagsilay ng ngiti sa mga labi nila ang pag-umpisa ng masigabong palakpakan sa loob ng simbahan. "Hanggang walang hanggan?" bulong niya sa lalaking pinakamamahal. Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya habang nangingilid ang luha sa sarili nitong mga mata. He was about to open his mouth when they heard a gunshot. "Gabriel!" Isang sigaw ang kumuha sa atensiyon ng lahat at kasunod niyon ang isa pang putok ng baril. Tila huminto sa pag-ikot ang mundo niya nang makita ang pulang likido mula sa puting tuxedo ng lalaking pinakamamahal. Mabilis itong yumakap sa kaniya at ilan pang magkakasunod na bala ang tinanggap ng katawan nito. "H-hanggang walang hanggan, love . . ." ang huling mga salitang namutawi sa mga labi ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD