Kabanata 86 “Sure ka na ba talaga riyan, Alas?” nag-aalalang tanong ko sa kanya matapos niyang kumasa sa hamon ni Papa sa kanya. Narito kami sa kwarto ko ngayon. Ayaw pa sana ni Papa na papasukin si Alas sa kwarto ko, pero wala na itong nagawa nang ako na mismo ang humila sa lalaki papasok sa aking kwarto. “Hindi mo naman kailangang pumayag sa hamon ni Papa sa ‘yo, eh. Madadaan naman sa maayos na usapan,” dagdag ko pa para makumbinsi siya na umatras na lang. It’s not like I am doubting him, pero parang gano’n na nga. Laki siya sa siyudad; lumaki pa sa marangyang pamumuhay. Ni hindi ko nga alam kung nakahawak na ito ng putik, eh. Iniisip ko pa lang ang mga ipapagawa sa kanya ni Papa ay nag-aalala na ako. Baka hindi niya kayanin. At malala, baka mapahamak pa siya. “Siguradong-sigurado na

