SC 03: Dos & Deux Ligaya’s Point of View “Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!” Napatingin ako kina Dos at Deux na nakatayo sa tapat ng mesa at naghihintay ng senyas para hipan ang mga kandila sa dalawang malalaking cakes na nasa harapan nila. Pink, barbie cake for Deux, and blue, superhero cake for Dos. “Happy 5th birthday, Dos and Deux!” sabay-sabay naming bati sa kambal. “Make a wish. Make a wish!” Ngumiti lang ang dalawa sa amin bago pumikit at kanya-kanyang wish. Nandito kami ngayon sa garden ng bahay. Intimate celebration lang. Hindi umabot sa twenty ang bisita. We only invited those who are closest to us. “Mommy, Dos just touched my cake!” angal ni Deux sa akin at ngumuso. “He’s trying to ruin my cake!” “Well

