AMARA saw Jace bit his own lip. "Ano sa tingin mo?" tanong nito. Kumakabog ang kanyang dibdib. Pero alam niya, nararamdaman niya na kakaiba ang epekto ni Jace sa kanya. Sa katawan niya. Kung may relasyon sila nito, bakit ayaw pa nitong aminin? Bakit hindi sinasabi ni Ka Julian? Ipinilig ni Amara ang ulo. Her body might be deceiving her. Wala pa siya sa tama niyang pag-iisip. Hindi siya dapat magtiwala sa mga nararamdaman niya ngayon. Jace cleared his throat. "Tatayo ka na lang ba, riyan?" He extended his arm. "Yakapin mo na 'ko. Ako ang... ako ang matagal mo nang crush. Ikaw ng habol nang habol sa 'kin noon. Kaya napilitan akong sagutin ka..." Napakurap-kurap ang mga mata ni Amara. Totoo ba ang sinasabi ng loko-lokong ito? Pero paano nga kung totoo? Humakbang si Amara. Unti-unti siy

