"Goodnight, my L." huling text niya kagabi na paulit-ulit kong binabasa. Eh sa tinawag niya akong my L eh. Nakakakilig kaya. Pero bukod dun, wala pa rin siyang paramdam eh. Ni hindi man lang ako tinext kaninang umaga. Hay na'ko. Kung sabagay nag-dodoubt nga ako, kung totoo yung sinabi niya na mahal niya ako. Ni hindi ko nga feel eh. Ni parang wala ngang kami eh, Ay mali. WALA NAMAN TALAGANG KAMI. Ansaket lang, hindi niya naman kasi ako niligawan.
"Hello, Lara." bumalik ako sa wisyo nang binati ako ni Anne na nakasalubong ko.
"Hello," sagot ko with grimacing at nagkahiwalay na kami ng landas.
Pumasok na ako ng room at diretsong umupo sa upuan ko. Bago ako maupo tinignan ko muna yung paligid at hinahanap siya baka malay mo pumasok na pala ganun lang talaga siya. Lumingon, tumingin, hinanap ko kung saan-saan pero wala naman. Wala pa pala siya. Eh baka naman lumabas lang yun?
"Nakita mo ba si laurence?" tanong ko sa katabi ko. Inilapag ko yung bag ko at naupo.
"Hindi eh... Baka hindi pa dumarating," sagot niya. Tumango ako. Ano ba ang nangyayari? Okay lang naman na hindi niya ako ligawan. Masaya naman kaming umuuwi. Ay joke. Tahimik pala kami pag-umuuwi. Wala eh. Ewan ko sa kanya. Nakakainis nga eh. Ang lungkot-lungkot akala ko noong una masaya pero hindi pala. Isinubsob ko nalang yung ulo ko sa table chair ko at iniligay ang earphones sa tenga ko. May 30 minutes pa para umiglip. Gusto ko munang matulog. Masyado akong na-iistress.
Hindi ko namalayang nakatulog ako. Naramdaman ko nalang may nangangalabit sa akin. Nagising ako ng gulat dahil baka may teacher na. Agad-agad kong tinanggal yung earphones ko at iniangat ang ulo ko. Si Marise, 'yung katabi ko pala.
"Sa IT daw tayo," sabi ng katabi ko.
"Una na ako ha?" dagdag pa nito. Ako nalang pala ang maiiwan dito. Tumango na lang ako at kinuha yung notebook, ballpen at footsock ko. Bago ako lumabas ng room, ay sinilip ko muna kung nandoon na yung bag ni Laurence sa upuan niya. Tama naman. Nandoon siya. At least, hindi siya absent. Hay na'ko. Sabi sayo Lara, eh. Pinaglalaruan ka lang nun. Assuming kasi masyado. Buti pa 'tong si Marise, naisipang gisingin ako. Hay.
"Ms. Martinez!" tawag galing sa likuran ko habang naglalakad ako sa corridor ng IT building namin. Lumingon ako at si Mrs. Madrigal pala ito, yung teacher ko sa Geometry.
"Good afternoon po," bati ko. "Ano po 'yun, Ma'am?" dugtong ko pagkatapos kong yumuko sa pagkakabati.
"Ah, naiwanan ko kasi yung flash drive ko sa AVR. Pwede bang pakuha nandoon lang yun sa drawer na lalagyanan ng speaker," sabi niya. 'Yung AVR is short term for Auditorium, kung saan naghohold ng mga celebrations and occasions.
"Sige po," sabi ko ng nakangiti. Makakahindi ba ako? Malalate ata ako sa class ko. Patay ako nito! Napabuntong hininga nalang ako at dumiretso na ako sa AVR. Hindi na ako naglagay ng foot sock. Kukunin ko lang naman yung flashdrive ni Ma'am eh. Tsaka baka wala ding tao dun.
Halos hingalin na ako nang makarating ako sa AVR sa bilis ng lakad ko since sa kabilang building pa ito. Sinilip-silip ko yung loob, pero naalala ko, TINTED nga pala ito. Buang ka gyud. Pumasok ako sa loob.
"Ay ang dilim!" sigaw ko. Ano ba yan! Nakakatakot. Asan ba yung switch ng ilaw? URGHHHHH! Tinary kong lumakad habang kinakapa ang kalawakan. Pero sympre nakapikit ako baka kung ano ang makita ko eh. Ahehehe.
Napatalon ako ng may biglang nahulog somewhere. Napatingin ako kung saan yung galing na tunog na yun. Nanginginig na yung buong katawan ko at halos tumayo na yung balahibo ko. Ano ba naman kasi si Ma'am Madrigal! Hayaan mo nalang yun, Lara. Don't mind it. Don't mind it. Nagpatuloy ako sa paglalakad at pagkaba ng switch. ASAN KA NA BA???
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" napasigaw nalang ako ng may naramdaman akong dumaan sa likod ko. Akmang tatalikod na ako nang may humawak sa braso ko...
"OMYGOSH. SINO KA? ANO KA?" sigaw ko na naiiyak. Ayoko na. Ayoko ng ganito. Natatakot na ako sobra. Hindi ko na kaya parang hihimatayin na ako sa sobrang bilis ng pintig ng puso ko!!
"TULONG!!!" sigaw ko ng pangiyak-ngiyak. Nahihilo na ako. Sobra. Ayoko na.
Napatigili nalang ako sa pagsisigaw at nanlalaki ang mga mata ko nang may marinig akong nag-strum na gitara. Tono ng grow old with you! Wow. Ang sweet naman ng multong to! WHAT IS HAPPENING???? MAHIHIMATAY NA ATA AKO!
♪♫ "I wanna make you smile whenever you're sad...carry you around when your arthritis is bad....all I wanna do is grow old with you," ♪♫
Nagulat at hindi ko maintindihan ang mga sumunod na pangyayari. Sa pagbukas bigla ng ilaw, sa lalaking nakaupo habang nag-gigitara at sa likod nito na mga kabarkada niya na may hawak na 1/4 illustration board na nakatalikod. Plus 'yung teacher ko na nasa gilid at kasama nito ang mga kaklase ko na ngiting-ngiti.
♪♫" I'll get your medicine when your tummy aches...build you a fire if the furnace breaks... Oh, it could be so nice...growing old with you,"♪♫
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Ganito pala 'yung pakiramdam na 'yung taong mahal mo ay hinaharanahan ka. Hindi ko alam. 'Yung kaninang kaba ay napalitan ng kilig. Halos hindi ko na mawari ang init ng pisngi ko at panlalamig ng mga kamay ko.
♪♫ "I'll miss you... Kiss you,"♪♫ mula sa kanyang pagkakaupo ay ang kanyang pagtayo. Nilagay niya ang gitara sa gilid ng pinagkakaupuan niya. Nawalan ng kanta. Pakiramdam ko huminto muli ang mundo, oras at ang mga kaklase kong naghihighikan.
♪♫ "Give you my coat when you are cold..."♪♫ pagpapatuloy niya sa kanta. ♪♫ "Need you...Feed you..."♪♫ panghaharana niya habang papalapit sa akin.
♪♫ "Even let ya hold the remote control..."♪♫ at nang marating niya ako. Huminto siya sa harap ko. May ilang minuto kaming nagkatitigan. Hindi ko maintindihan. 'Yung intestines ko ay nagkakagulo na. 'Yung puso ko sobrang kabog dahil na naman sa sobrang lapit niya. Up close, mas lalo kong nakikita ang kagwapuhan niya. Lalong uminit ang pisngi ko.
♪♫ "So let me do the dishes in our kitchen sink...Put you to bed when you've had too much to drink...I could be the man who grows old with you,"♪♫ At lalong-lalo nang hinawakan niya yung pisngi ko. Nahihiya ako dahil baka maramdaman niya ang init at ang kuryenteng dumaplis nang hawakan niya ito. Gusto kong tumalon ng tumalon dahil sa kilig na nadadama ko.
♪♫"I wanna make you smile whenever you're sad,"♪♫ bitaw niya sa kanta at hinawakan naman ang kamay ko. ♪♫"Carry you around when your arthritis is bad,"♪♫ bigkas nito at nginitian ako.
Sa mga hinto ng kanyang pagkanta, ang tanging naririnig ko lang ay ang lakas ng t***k ng puso ko at ang kanyang mga ngiti sa akin na may pangungusap.
♪♫"Oh all I wanna do... is grow old with you..."♪♫ pagtatapos nito na halos hindi ko na makayanan. "Lara Martinez," dugtong niya habang nakatitig sa mga mata ko at nakahawak sa kamay ko.
"Hm?" ani ko. Dudugtungan ko pa sana ng tanong ngunit wala na akong masambit. Nginitian ko siya. Sumenyas siya sa likuran niya kung saan nakapwesto ang mga kaibigan niya. Lumapit ito sa amin at isa-isang itinaas ang board na hawak nito.
Halos mabulunan at tumalon-talon ako nang iniangat nila ito. Nakasulat ang tanong na ito sa magandang calligraphy. "WILL-U-BE-MY-GIRL?"
"Lara Martinez," panimula ni Laurence. Inilipat ko rito ang tingin ko. Hawak-hawak niya parin ang mga kamay kong nanlalamig. "Will you be my girl?" tanong niya.
Naghiyawan ang mga kaklase ko pati na rin ang teacher ko. Napansin ko rin na bumukas ang pinto at pumasok si Mrs. Madrigal. Hm. Pinagkaisahan nila ako? Bumaling ako kay Laurence na halos kumunot na ang noo sa tagal kong sumagot.
"Ano, yes ba? wag mong i-no no ha. Sayang effort ko..." dugtong niya. Saglit nga. Hindi ko ma-comprehend. Hihinga muna ako. "Ano?" tanong niya ulit.
"Ikaw...Ano ba sayo?" tanong ko. Ano ba yan, Lara! Balik! Balik ka sa PREP! Ngumiti ito sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa tanong ko dahil napapakiramdaman nito na kinakabahan ako.
"Oo. Sympre, oo." dugtong ko nang nakangiti. Ngumiti rin ito sa akin. Pinahawak niya ang kaniyang gitarang hawak habang sa peripheral view ko ay may naghahampasan, naghihiyawan at halos tenga ang ngiti.
"KIIIISSSS NA YAAAN!" rinig kong sigaw ng isa. Natawa ako. Akala ko hanggang doon lang ngunit sunod-sunod silang nagsabi nito.
Tinitigan ako ni Laurence, "Kiss daw oh. Paano ba yan?" aniya. Dito na ba talaga? Siya na ba talaga ang first kiss ko!!
"A-ehh..."
"Dali na! Isa lang naman eh..." sabi niya na parang bata.
"Sige na nga!!!" sagot ko naman.
"Pikit ka muna," utos niya na siyang ginawa ko. Wait. Parang hindi ko kaya sa harap ng mga kaklase at teachers ko??
*KISS*
"Tsaka na sa lips. I-rereserve ko para sa kasal natin."