Chapter 58 Zari POV KASABAY 'non, isang malakas na pagsigaw ang umalingawngaw sa paligid. Sabay kaming napalingon ni Josh sa pinagmulan ng sigaw at nakita ko si Zeinab, nakangiti ngunit medyo inis ang mukha at lumakad papunta sa altar, halos padabog. Sa likod niya'y nakasunod sina Kuya Zane, Kaydan at Jacob, halatang nasa mukha ang pagtatampo. "Zari!" paano mo nagawang hindi ako imbitahin sa kasal ninyo? I'm your twin sister?" Tila nagtatampong sabi ni Zein na may kunot ang noo. Natigil ang lahat ng tao at napuno ng pag–alala ang paligid. Hindi ako makapaniwala na narito sila. "Zein..." tanging nasambit ko, ang tatlong lalaki na nasa likuran niya'y puro pag–iling ang nagagawa na hindi mapalis ang mga ngiti sa kanilang labi. "Sorry..." Inabot ni Josh ang kamay ko at mahigpit na hinawak

