KRISTOFFER'S POV Inabutan na ako nang umaga sa kaka-titig sa mukha ni Alaire. Hindi ako makaramdam ng kahit katiting man lang na pagka antok. Tinitigan ko lang ito at kung minsan namay ay marahan kong hinahaplos ang kanyang mukha. At napapa-ngiti ako sa t'wing nag sasalubong ang parehong kilay nito na parang galit na galit siya na hindi ko alam. Masarap sa pakiramdam na humiga sa isang higaan na may kasama. Huling beses ko itong ginawa noong kami pa ni Cristine. Kaya alam na alam ko kung anong pakiramdam kapag mag-isa ka at kapag meron kang kasama. Ramdam ko ang katahimikan at gaan sa dibdib ko. Kung ako lang ang masusunod ay pipiliin kong manatili nalang kaming dalawa dito, ngunit s atwing iniisip ko iyon ay hindi maalis sa akin ang reyalidad na magka iba kami ng mundo. Alam kun

