KRISTOFFER'S POV Tahimik lang akong nag lalakad sa likuran ni Alaire, nang bigla itong huminto at humarap sa'kin. "Bakit ba ang hilig-hilig mong makialam, sumo-sobra kana alam mo yun?" Biglang bulyaw ni Alaire. Pareho kaming natigilan ni tom at sandaling nagka titigan. "It's not my problem anymore, I'm just doing my job, miss." Diretsyong sagot ko sa kanya. Mabilis itong humakbang papalapit sa'kin. Tumingala pa ito para salubungin ang mga mata ko. "Pero hindi kasali doon ang panging-alam sa personal kong buhay. You're crossing the boundaries, dapat ay manatili ka lang sa isang tabi at lalapit lang kapag tatawagin. Dahil iyon ang ginagawa ng mga naging bodyguard ko noon." Mahabang reklamo nito. Tahimik lang na naka masid si tom sa'min. Nang mag salubong ang aming tingin ay agad

