WARNING: MATURE CONTENT EVERYONE, NOT SUITABLE FOR 18 YEARS OLD BELOW. READ AT YOUR OWN RISK. KRISTOFFER'S POV Mahigit isang buwan na din ang lumipas nang mangyari iyong pag sabog. Papunta kami ngayon sa isang party kung saan imbitado si Alaire. Ako ang nag mamaneho. Simula ng araw na iyon ay bahagyang nag bago ang pakikitungo sa amin ni Alaire. Hindi na ito katulad noong una na laging naninigaw at busangot ang mukha kung haharap sa'min. Ngayon ay masasabi ko na kahit papaano ay gumanda ang ugali nito, hindi na mukhang bugnutin. Ilang sandali lang ay narating na namin ang bar na sinasabi nito, madaming sasakyan na naka parada sa labas ng bar. Bahagyang kong inihinto ang sasakyan para mag hanap kung saan pwedeng pumarada at ilang sandali lang ay may nakita ako at agad ko itong idini

