Katok ni Blue sa labas ng kwarto ang nagpagising kay Bea. "Sleeping beauty, yuhooo! Gising na po!" wika nito habang patuloy ito sa pagkatok. "It's lunch time.Tara na po!" Pupungas-pungas sa mata na bumangon sa higaan si Bea nang marinig ang boses ni Blue mula sa labas ng pinto ng kwarto. "Saglit lang po!" sagot n'ya rito at mabilis s'yang nagtungo sa banyo para mag-tooth brush. Pagkatapos ay nag-ayos ng sarili at lumabas na. Nakangiting mukha ni Blue ang nabungaran n'ya sa labas habang naghihintay sa pinto na agad na humalik sa kanya paglabas n'ya. "I miss you," wika nito pagkatapos s'ya nitong halikan. "Hmmmmp, dalawang oras lamang tayong hindi nagkita. Isa pa nasa loob lamang ako ng kwarto," wika ni Bea, habang sa loob n'ya ay kinikilig talaga s'ya. "Madali kitang ma-miss eh," s

