"Nakasimangot ka na naman," puna ni Linel kay Ae nang mapansin nito ang matinding pagkakakunot ng noo niya habang nakatutok ang mga mata niya sa screen ng kanyang phone.
Nasa library sila dahil sinasamahan niya itong mag-research para sa special project nito. Naroon din naman ang mga kaibigan niya ngunit humiwalay ng mesa ang mga ito.
Ae turned off her phone then sighed. "Wala lang. I'm just in a bad mood."
Linel flicked his pen. "Why?"
"It's just . . . about Dad. He sent me some money but he didn't answer me when I asked him where he is." Nagpangalumbaba siya. "Nagtatampo na ako dahil pakiramdam ko ayaw talaga nilang sabihin sa'kin kung ano nang sitwasyon ng pamilya namin."
"Gano'n talaga minsan ang magulang. They'd keep the truth from their kids because they didn't wanna hurt their kids."
She scoffed. "Eh, mas masakit nga 'yon, eh. Mas mahirap 'yong clueless ka't hinuhulaan ang sitwasyon." She sighed. "Gano'n din ba parents mo?"
"Before, yeah." He flipped the page of the book he was referencing to. "But eventually, they learned to sit us down and talk to us about our family's situation."
"Sana pati parents ko ganyan. Hindi 'yong parang bini-baby pa rin ako."
Linel smirked. "Baby ka naman talaga. Baby ko nga lang. Kahit magka-baby na tayo, baby pa rin kita."
Her eyes narrowed at him. "Mag-research ka na nga lang diyan, Linel bago kumulo ang dugo ko sa'yo. Ang tino-tino ng usapan, bigla kang magsisingit ng ganyan."
He laughed. Nasita tuloy sila ng librarian kaya halos sipain niya ang binti nito sa ilalim ng mesa. Nagpigil naman ito ng tawa. He pursed his lips together then winked at her. Inirapan na lamang niya itong muli bago siya nagpangalumbaba.
They fell silent for a few minutes before Linel took something out from his uniform's pocket. He then pushed it towards her, getting her attention.
Napatingin siya kay Linel nang makitang nakatiklop na yellow paper iyon. She opened it and realized that it was Linel's quiz paper. He had a perfect score even when the quiz has a lot of difficult equations.
"See? You're smart," pabulong niyang sabi kay Linel.
He flashed a proud smirk. "I don't wanna let you down." He moistened his lower lip. "Hey, why don't we visit your dad in his office? See if he's there?"
Napakurap siya. "R-Really? Sasamahan mo ko?"
"Of course." Nag-check ito ng suot na relos. "We won't have enough time today but maybe we can go there tomorrow during our lunch break?"
Kaagad na tumango si Ae. "Sige. Thank you, ha?"
"Anything for you, baby," he said before he focused on his research.
Napatitig na lamang dito si Ae saka siya tahimik na nagpakawala ng hangin sa dibdib. Mukhang nagkamali nga yata siya ng pagkakakilala kay Linel noon. This one seems to be the more authentic version of him, and she's going to lie if she'd say she isn't liking this sweet side of him.
Nagawi ang tingin niya sa mesa ng mga kaibigan. Naabutan niyang nakatitig sa kanila si Vina, ngunit nang magawi ang tingin niya rito ay kaagad na yumuko. Napawi ang kurba sa mga labi ni Ae. Bahagya ring nalukot ang kanyang noo. Bakit parang . . . nakasimangot ito?
She sighed. Concern lang siguro ito, hindi ba? Tama. Baka concern lang ito sa kanya.
Inabala na lamang ni Ae ang sarili sa pag-a-advance reading. Nang natapos ang sobrang oras nila para sa lunch break ay ihinatid siya ni Linel sa classroom nila. She focused on the lectures for the rest of the day. Nang natapos ang huling subject ay ihinatid siya ulit ni Linel sa village gaya ng nakakasanayan na nilang gawin.
Pagkauwi ay ang katulong lamang ang nadatnan ni Ae. Late na ring umuwi ang mommy niya. Mabuti na lamang at magka-video call sila ni Linel habang sabay na gumagawa ng assignments. Kahit paano ay naokupa ang isip niya.
Kinabukasan ay sinundo siya ulit ni Linel sa labas ng village. They went to school together and promised to go to her dad during their lunch break.
"Sasama ka sa'min mag-lunch?" tanong ni Vina kay Ae nang natapos ang huling klase nila para sa morning session.
Ae picked up her stuff and put it in her bag. "Sorry. Bukas na lang. May commitment na ako with Linel. I'm gonna help him with his special project," she lied.
Ayaw naman niyang magsinungaling sa mga ito kaya lang ay ayaw niyang dumagdag sa iniisip ng dalawa. They have a big test coming up. Ayaw niyang makaapekto sa focus ng mga kaibigan niya.
"Uhm, okay. Sabay na lang kami sa inyo," sagot nito.
"Oh, sorry uhm, usapan kasi namin kami lang dalawa. Maybe . . . next time?"
Tumaas ang kilay ni Vina. "Bakit parang mas pinipili mo na si Linel ngayon? Ano bang nangyayari sa'yo?"
"Excuse me?" Nalukot ang noo ni Ae. "Ngayon lang ako hindi sasabay ng lunch dahil kay Linel, Vina. Why is it such a big deal?"
"I'm just saying, okay? Nakakatampo lang," sagot nito.
Raiah immediately stood between them. Mukhang gusto silang awatin bago pa sila magtalo. May dalaw pa naman si Ae ngayon kaya mabilis na napitik ang pasensya niya kaya kahit na sinisenyasan na siya ni Raiah na pabayaan na lamang si Vina.
"Hayaan mo na lang, Ae. May topak lang siya ngayon kasi naghiwalay na sila ni Erol," bulong ni Raiah sa kanya.
Well, that's the point! Hindi nga ito nakarinig sa kanya noong palagi sila nitong iniiwanan para sumama kay Erol. Tapos ngayong siya ang hindi sasamang mag-lunch dahil may usapan na sila ni Linel ay parang big deal dito ang desisyon niya?
Ae rolled her eyes while shaking her head. Nang matanaw si Linel sa labas ng classroom ay kinuha na niya ang bag niya.
"I have to go," aniya kay Raiah bago iniwanan ang dalawa.
"What happened in there?" tanong kaagad ni Linel nang makita ang inis sa kanyang mukha. Inagaw rin nito ang bag niya't ito ang bumuhat.
Ae sighed. "Nothing. May misunderstanding lang kami ng friends ko."
Linel jerked his head then pinched her cheek. "Hayaan mo na. Let's go."
Tumango na lamang siya't sumama na rito patungo sa parking lot. Gamit ang kotse ni Linel ay nagtungo sila sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng daddy niya. Linel parked outside the tall building then went out to open the car door for her.
"Thank you," she said before she looked at the building. "Kinakabahan ako. Baka pagalitan ako ni Daddy."
"Well, do you . . . still wanna see him?" he asked.
Ae sighed before she nodded. "Yes." Nilunok niya ang namuong bara sa kanyang lalamunan. "Let's go."
Linel shut the door. Nang magsimula silang maglakad patungo sa higanteng glass door ay inalalayan pa nito ang lower back niya.
"Good noon po," bati ni Ae sa gwardya.
"Anong sadya natin, Neng?" tanong ng gwardya.
As if Linel felt her nervousness, he held her by her shoulder and then cleared his throat as if telling her that he got this. Hinayaan naman niyang ito na ang makipag-usap sa gwardya para sa kanya.
"We're here to see her Dad. She needs to ask him something important. It's for school and it's urgent."
"Gano'n ba? Sino ba ang tatay mo, Neng?" tanong ng gwardya matapos nitong buklatin ang log book para ihanda sa pagpapapirma sa kanila.
"Si . . . Si Enrique Sobrepena po," she answered.
"Si Sir Enrique?" Nalukot nang husto ang noo nito. "Naku, magdadalawang linggo na magmula noong nag-quit sa trabaho ang tatay mo, hija."
Parang tumigil ang t***k ng puso ni Ae. "P-Po?"
No, no. Her dad loves his job so much. Imposible!
Linel looked at her in a worried way before he drifted his gaze back to the guard. "I'm sorry, but are you sure?"
"Sigurado ako, hijo dahil malaking eskandalo ang kinasangkutan ni Sir Enrique kaya siya nag-resign sa posisyon niya."
Nilunok ni Ae ang namumuong bara sa kanyang lalamunan. "B-Bakit po . . . nag-quit ang daddy ko sa trabaho?"
Tumingin sa kanya ang gwardya saka ito bumuntonghininga.
"Dahil nalaman daw niyang kaya lamang nakuha ng daddy mo ang promotion niya kasi naging querida ng big boss ang mommy mo . . ."
Muntik na yatang tumigil ang t***k ng puso ni Ae. Her knees almost gave up if only Linel wasn't fast enough to support her.
What did he say? Her mom . . . had an affair with her dad's boss?
The corners of her eyes started to sting.
No