"KUMUSTA si Mommy?" tanong ni Ae kay Deydey nang mapagbuksan siya nito ng pinto. Ihinatid siya ni Linel doon bago ito nakipagkita sa isang kasamahan sa trabaho. Tumawag kasi si Deydey at nagsabing ayaw na namang kumain ng nanay niya. "Gano'n pa rin, Ae. Si Sir naman, ilang araw nang hindi umuuwi." She sighed. "Nagsabi man lang ba si Daddy kung saan siya pumunta?" "Hindi rin kaya halos hindi makatulog si Ma'am." Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito. "May sumugod nga pala rito noong isang araw." Nalukot nang husto ang noo ni Ae. "Sumugod? Sino?" "'Yong mag-ina yata ng nakalaguyo ni Ma'am. Mabuti na lang at dumating kaagad ang mga gwardya kaya napigilan ang gulo. Grabe ang pagmumura kay Ma'am. Pati 'yong anak na lalake, ang talim kung makatingin. Akala mo kayang pumatay. Nagbanta pa na

