SANDALING pinuno ni Linel ng hangin ang kanyang dibdib bago niya tuluyang itinulak ang pinto ng pub kung saan niya matatagpuan ang ama ni Ae. Ayon sa tauhang kinuha niya para bantayan ito ay maaga pa lamang naroon na si Mr. Sobrepena upang magpakalasing. He feels sorry for him. Tila ba namuhay na lamang ito sa sakit at galit sa mga nakalipas na taon. Linel walked towards the farthest table where Mr. Sobrepena was seating. Tama nga ang tauhan. Maaga pa lamang ay alak na ang kaharap nito. "Mr. Sobrepena?" bati niya. Nag-angat ito ng tingin. "What do you want?" Linel bravely offered his hand. "I'm Linel, Sir. I'm your daughter's boyfriend." Umismid ito. "Boyfriend?" Umiling-iling ito bago dinampot ang malaking baso ng beer na halos paubos na ang laman. "Mag-iingat ka sa anak ko. Baka gu

