"MAKE sure you're taking your vitamins, Raiah. Kailangan malakas ang mga inaanak ko," paalala ni Ae sa kaibigan nang dalawin niya ito sa penthouse ni Silver kung saan na ito namamalagi. She visited Raiah amidst her feud with Vina. Nagkasagutan kasi sila ilang buwan na ang nakararaan kaya dumidistansya siya rito. Hindi rin niya basta pinupuntahan si Raiah at baka magpanagpo sila ni Vina roon. Turns out, Vina has been distancing herself to Raiah as well. Kung alam lang niya ay tumambay na lang sana siya kina Raiah tuwing off niya. "Ikaw rin. Tingnan mo parang maputla ka. Balita ko ay panay ang overtime mo," ani Raiah habang isinasawsaw sa bagoong ang nahiwang mangga. Ae yawned. "Kulang lang siguro ako sa tulog at nag-aalala ako kay Linel." Alam na nito ang tungkol sa relasyon nila ni Lin

