MATALIM ang tinging ibinabato ni Evangeline kay Linel habang nasa loob sila ng guidance office dahil sa kasong "public display of affection".
Honestly, Linel almost laughed when Mrs. Ferrer told them about it. Hindi pa ba "publicly" displayed and pagkahumaling niya kay Evangeline? Sa pagkakatanda niya kasi ay oo pero ngayon lang siya nagkaroon ng record na ganoon sa guidance.
He glanced at Evangeline who looks really scared right now. Ipapatawag daw bukas ang kanilang mga magulang kaya halos iyakan na ni Evangeline si Mrs. Ferrer. Kung sabagay, suki na si Linel ng guidance dahil sa madalas na pakikipag-away kaya hindi na bago sa kanya iyon. This is Evangeline's first time to warm the seat in the guidance office maybe that's why she's shaking in fear right now.
Linel moistened his lower lip while still staring at Evangeline. He couldn't blame his baby. She's too nice. . . and hot.
"Ma'am, hindi ko naman po talaga 'yon ginusto. Itong si Linel lang ang nag-initiate!" depensa ni Evangeline, maluha-luha pa habang idinuduro siya.
He sighed as he leaned his body forward. Magkatapat silang dalawa at kung tutuusin ay abot kamay na niya ito. Oh, he'd love to pull her closer and taste those lips again. Kaya lang ay baka expulsion na ang abutin nila oras na sunggaban niya ito sa mismong guidance office.
Isinangkal niya na lamang ang kanyang mga siko sa magkabila niyang hita bago niya ipinagsalikop ang kanyang mga palad. He then c****d a brow and flashed a proud smirk.
"Oh, she moaned, alright? Admit it, baby." He winked at Evangeline, making her cheeks turn red.
Her reaction made him purse his lips together. Aww, his baby is blushing for him, hmm? Cute. He'd die to see more of those reddened cheeks.
Evangeline's nostrils flared. "Gago!"
"Miss Sobrepeña, language, please!" sita ni Mrs. Ferrer.
Evangeline was taken a back. Nahihiya itong bumaling kay Mrs. Ferrer saka problemadong niyuko ang ulo. "S—Sorry po. Kasi si Linel, Ma'am. He's being a total jerk."
Lumawak ang kurba sa mga labi ni Linel. He's enjoying this, actually and he's got no plans of denying it. Kung ang asarin pa ito nang husto ang paraan upang tumagal pa silang magkasama sa iisang lugar ay gagawin niya. Paano ba naman? Para siyang may nakahahawang sakit kung pangilagan nito tuwing nakikita siya.
'Or she's probably just too scared to fall for me, hmm? Oh, Evangeline,' Linel concluded inside his mind.
Huminga siya nang malalim. "Aminin mo na lang kasi. I heard your moan loud and clear."
Nagngitngit ang mga ngipin ni Evangeline. Ang natural na singkit na mga mata ay lalo pang sumingkit. If those are laser beams, he's probably dead by now sa talim ng tingin nito sa kanya.
Linel suppressed his laughter and purposely looked at her chest. Mayamaya'y ngumuso siya at pinindot-pindot ang loob ng kanyang pisngi gamit ang dila nang ilang ulit.
She gasped and turned red instantly. "f**k you!" hindi nito napigilang sigaw nang tila makuha nito ang ibig niyang sabihin.
He grinned. Oh, he would love to.
"That's it. I'm calling your parents." Nahilot ni Mrs. Ferrer ang sintido nito, halatang na-stress na sa kanilang dalawa.
Evangeline looked horrified. Mabilis na nawalan ng kulay ang mukha nito pagkabaling sa matandang counselor. "P—Po?!"
Tamad lang na sumandal sa upuan si Linel saka niya itinapik-tapik ang palad niya sa kanyang mga hita. "Good idea, Mrs. Ferrer so I can finally tell her parents that she'll marry me once we graduate."
Muling bumalik sa kanya ang nanlilisik na mga mata ni Evangeline. "Saan kaya gawa 'yang apog mo? In your dreams!"
Linel c****d a brow. "In my dreams, we're already in our honeymoon in Maldives, baby."
"Enough! That's enough! Goodness, Linel Elmont Shault! Wala ba talagang preno iyang bibig mo?!" Tumaas na ang tinig ni Mrs. Ferrer. Halatang wala nang pasensyang natitira para sa kanya.
Napakamot siya ng batok. His full name is really boring. How could she mention it right to his face?
"Ma'am, I am just being honest," depensa niya.
"No, kabastusan ang ginagawa mo. Ilang taon lang si Miss Sobrepeña!"
Muli siyang ngumisi at tumingin kay Evangeline. "At ilang taon na lang pwede nang mag-asawa."
The counselor groaned. "Linel..." she called in a breathy way. "Masyado pa kayong bata para sa ganyang usapin. Ang dapat na iniisip mo ay ang magtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan. Nakapaghihintay ang pag-ibig, hijo. You cannot be sure anyway if you will still like Evangeline few years from now. Ang daming maagang naghihiwalay sa panahon ngayon. Most people mistaken attraction as love." Bumaling ito kay Evangeline. "Isa pa, I don't think she likes you the way you do, Mr."
Napaismid siya. "As if I care?"
Kumunot ang noo ni Mrs. Ferrer. "What did you say?"
"I said as if I care? Basta akin siya, kahit ako lang ang magmahal sa aming dalawa, solve na ko, Mrs. Ferrer. Habambuhay akin 'yan."
"Okay, let's put it this way dahil mukhang hindi mo ako naiintindihan." Bumuntonghininga ang matandang counselor at ipinagsalikop ang mga palad. "Mr. Shault, when you like a flower, do you pick it and put it in a vase?"
Linel shrugged his shoulders. "I'm not a woman? I don't like flowers."
Napailing ito. "Just imagine. Would you pick it and let it wither after a few days?"
"Maybe."
"And you call that love?"
"Siguro." Nakamot na niya ang kanyang patilya habang lukot ang kanyang noo. "I don't really know. Like I said, I ain't a woman and I don't like flowers." Napahinto siya nang may maisip. Maya-maya ay makahulugan siyang ngumisi "Ibang bulaklak ang gusto ko."
Napahugot ng hininga ang counselor habang mariing magkalapat ang mga labi. Halatang nauubusan na talaga ng pasensya pero pakialam niya ba? Linel thinks that she brought this to herself anyway. He was just being boldly honest with his feelings for Evangeline. Walang edad ang pag-ibig kaya anong pakialam nito sa nararamdaman niya? Sino rin ba ito para sabihing hindi pagmamahal ang mayroon siya para kay Evangeline?
"You see, Linel, picking the flower and letting it die afterwards is a selfish form of love. And when it is selfish, by all means, it is hardly accepted as love. Love is letting the flower bloom, letting it live," paliwanag ni Mrs. Ferrer.
He lifted a brow. "Don't pick it and then what? Just let it be picked by someone else? No way." Linel crossed his arms. "By the way I think I already get the metaphor."
"Congratulations, dummy," anas ni Evangeline sa sarkastikong tono.
Ngumisi siya. "Look at that? My cute girlfriend is teasing me now."
"Asa ka." Inirapan siya nito ngunit hindi niya pinansin. If only Evangeline knows it's that side of her that he loves the most.
"Linel, malawak ang konsepto ng pag-ibig. Sa edad mong 'yan, marahil ay hindi mo pa ganoong naiintindihan ang mga bagay-bagay. If you truly want to win a woman's heart, start working on yourself. Fix your attitude. Ang records mo sa akin, napakahaba na. If you want a decent woman, then be a decent man first," pangangaral ng counselor.
He clicked his tongue. "I uh, I didn't really ask her to be decent for me coz uhm . . ." He chuckled a little and looked at Evangeline with a smirk. "We can be dirty together."
"Diyos ko, mahabaging langit. Ano ba iyang mga lumalabas sa bibig mo, hijo?" Napa-sign of the cross ang counselor.
He laughed softly. "I told the truth and nothing but the truth, Mrs. Ferrer. Hindi ba 'yon ang turo mo sa'kin noong huling punta ko rito? Ang magsabi palagi ng katotohanan?"
"Yes, two days ago. Goodness, but that's not what I was expecting to come out of your mouth, young man." Napailing ito. "Why can't the principal just expel you," she murmured.
Umismid siya. Of course they cannot throw him out. His family holds one of the biggest shares in the school. Kaya nga kahit mas mahaba pa sa listahan ng graduates ang records niya sa guidance ay hanggang community service lang ang parusa niya.
"Mrs. Ferrer, is there any way to keep him from coming near me? Baka mamaya molestyahin na naman ako niyan," ani Evangeline habang matalim ang titig sa kanya.
He faked a shocked face and then did the puppy eyes thingy. "Baby, I didn't. Nilalandi lang kita kanina, hindi kita pinagsamantalahan."
"Nilandi mong mukha mo." Her teeth gritted. "You kissed me without my permission!"
His eyes twinkled as his lips formed another devilish smirk. "Oh, that." He laughed. "I just got carried away. Saka maghahalikan din naman tayo someday. Uungol ka rin para sa akin—"
"Jesus, Linel. Shut up! Isang banggit mo pa ng tungkol sa ungol, susungalngalin ko na 'yang bibig mo ng kahit na anong mahahawakan ko!" she hissed.
Hindi na napigilan ni Linel ang tumawa. "Nagsasabi lang naman kasi ako ng totoo, Evangeline. You're gonna oohhh, oohh Linel more . . ."
He faked his moans while his eyes were shut. Maya-maya ay lumipad sa kanya ang notebook na tingin niya ay nadampot nito sa mesa ni Mrs. Ferrer. Nang imulat niya ang mga mata niya ay halos umusok na ang ilong ni Evangeline sa galit. Medyo namumula na rin ang mga mata na tila iiyak na.
He sighed. "So this is the part where I apologize, hmm? God, is this what lover's quarrel looks like?"
"Linel, enough," sita ni Mrs. Ferrer. Hinihilot na nito ang sariling dibdib habang nakakunot ang noo.
"Okay, Ma'am."
He cleared his throat. Sinadya niyang maging mapungay ang mga mata niya nang muli niyang tingnan si Evangeline. Mayamaya'y bigla na lamang siyang lumuhod sa harap nito at hinawakan ang magkabila nitong kamay habang hindi pinuputol ang pagkakatitig sa nanlaki nitpng mga mata.
"I'm sorry, Evangeline . . ." He kissed the back of her hands and looked up again. "I will never tell anyone again for kissing you in public, baby," panimula niya sa nagpapaawang tinig bago siya bumuntonghininga. "I'm sorry kahit na alam kong nasarapan ka rin sa mga labi ko at kung wala lang si Mrs. Ferrer dito ay baka ikaw mismo ang nanghingi ng isa pa."
Naningkit ang mga mata ni Evangeline. Naging marahas ang paghugot at buga nito ng hininga habang namumula nang husto. "Linel . . ." she called in gritted teeth and shaking voice.
"Yes, baby?"
Mayamaya'y bigla na lamang nitong binawi ang mga kamay at sinabunutan siya. Nataranta nang sobra si Mrs. Ferrer habang bumubungisngis naman si Linel dahil nang tumayo siya ay halos hirap na sa pagsabunot sa kanya si Evangeline.
He took the chance and locked her in his arms while her hands are gripping his short dark brown hair. Mabuti na lang at humaba na kahit paano ang pinakalbo niyang buhok.
Bigla itong natigilan, at nang magkatitigan silang muli ay ngumisi siya saka niya ito inambahang hahalikan.
Evangeline immediately pulled away. Kinalas nito ang kanyang mga braso. Ayaw niya sana itong bitiwan kaya lang ay sinipat na ni Mrs. Ferrer ang kanyang braso gamit ang pamaypay.
"That's it, Linel! Hindi ko na alam ang gagawin sa iyong bata ka! Sisiguraduhin kong makakarating na ito sa mga magulang mo! Diyos ko—"
Biglang natigil ang litanya ni Mrs. Ferrer. Napahawak ito sa dibdib at tila mabubuwal. Napatingin tuloy silang pareho rito. Mayamaya'y bigla na lamang bumagsak ang counselor sa sahig. Nataranta si Evangeline at halos hindi alam ang gagawin.
"Mrs. Ferrer! Mrs. Ferrer!" Nilapat ni Evangeline ang tainga sa dibdib ng matandang babae. "Oh my God! I think she's having a heart attack!" Tumayo ito at tiningnan siya. "Buhatin mo!"
His brows curled. "Ano? How could I carry her? She's like three hundred and fifty pounds!"
"We have no time!"
"Ayoko! Buti sana kung makikipag-date ka na sa'kin kapag binuhat ko 'yan."
She pursed her lips together and clenched her fists. "Damn it, Linel! Fine! I'll go on a date with you kaya buhatin mo na!"
Parang nagkaroon yata bigla ng lakas si Linel. Pinatunog niya pa ang leeg at mga daliri niya saka niya kinindatan si Evangeline. "Madali ka naman palang kausap."
Evangeline groaned while rolling her eyes. She then opened the door while he tried to lift the counselor, pero wala pang ilang segundo ay gusto na niyang ibaba kung hindi niya lang iniisip ang kapalit ng pagbuhat niya rito.
Linel gritted his teeth and walked out of the office carrying the counselor, the veins in his neck were already evident because of how heavy Mrs. Ferrer is.
"Damn it, Evangeline! You owe me a date for every pound I'm carrying right now!"